Payo ni Mr.Kenkoy
Mema Hoy! Mema Hoy!
Solusyon sa El Nino
Talinong pampalasyo
Agapan ang balde
Sa palengke bumili
Timba ng mantikilya
Dagsa ang reserba
Binarat na presyo
Umismid ang tindero

20 Oktubre 2026

📷ctto

Matapos Pelikulang 2 Valid IDs

Siste ng matandang kalbo
Usisa sa kahero takilyero

“Kailangan pa ba 2 Valid IDs
Senior citizen ako?”

Businang bumibingi sa kupad
usad ng trapiko magwawakas
ampat saksak na bumubulwak.

Pampublikong higaan
siyamsiyam kang maghintay.
Sangkot sa katiwalian
wangwang na gumigiya.
Bakasyunan pagamutan
diretso sa maluhong kwarto.

Nakalulunas ba
kasagutan pasensya?
Kapuspalad isalang
baga na pumapalya.
Pitik-bulag
palarin ang mauna.

Parmasiya
sa reseta umiiling.
Guarantee Letter
magsasalbang daing.
PhilHealth bilyon naming hulog
saan napunta?
Recto rutang inorkestra.
Pharmally kulimbat
bumulagang maskara.

Limandaang piso
ipinangakong boto.
Utang na loob
angkan pamanang nagmumulto.

Mga rekisitos na kumikita
karagdagang dambong
sa burukrasya.

Tiwayway samutsaring patunay
legit perang pinanggalingan.
Abroad tanong sa kaanak
OFW politiko negosyo trabaho.
Tamang hinala
karampot na deposito.
Tinikling na money laundering
bilyong piso hindi napapraning.

Iilan nasa luklukan ng kapangyarihan
paldong maglabas sa bangko.
Pagdududa pinapawing katayuan
lipunan dinastiyang pinagharian.

Mahirap magkasakit ang mahirap
Walang problema sa mga Korap.

Zero billing
pangakong nadismaya!
Namamait
gamot na tableta hatiin.

Pera na ipinadala
luksang hindi mo makukuha.

Hindi valid sa kanila
lumuha lumuhod lumupasay
pabebeng imbentong istorya.

Hindi valid sa kanila
kahit na tayo magmura
sa bibig
katagang maibuga.

PUTANGNA N’YO!

M-A-R-I-A
inispeling ang pangalan.
Problema
pahirapan hanggang
Kamatayan.

Tinampal na mukha
sa manonood kaya tumama?

HIMAGSIK ba
o AWA?

22 Oktubre 2026

TUMAGA

Philhealth nga ang umubos
Sa sakit kong tutubos
Pasakit na tinalbos
Ngayo’y nanggigipupos

1 Enero 2021

YANG

Yang inuusig ninyo’y mabuting tao
Yang tinutugis ninyo’y maraming negosyo
Yang nililitis ninyo’y pagador ng gobyernong Tsino
Yang isinasakdal ninyo’y tumulong sa pangulo.

Parang mali!

Sa likod ba ng hinuhubarang maskara:

Ako ba ang timawang kumita?
Ako ba ang mukhang nais makita?
Ako ba ang lumikha sa bagong oligarkiya?
Ako ba ang ulo ng halimaw na pugita?

Patalsikin!
Ganyang kaming nagkasala
Kulungan!
Ganyang kaming magdurusa
Kasaysayan!
Ganyang kaming ibinasura.

14 Setyembre 2021
6:45 n.u

MULTO NG KARAMDAMAN
Para Kay B

Matay ko man isipin
Bilyon pisong dinambong
Ilan palalabasin
Sakit na sumusumpong

6 Hunyo 2026

MARKUBETA

Politikong mabantot
Peluka sinabunot.
Palusot sa kulungan
Dibdib na kumikirot.

8 Hulyo 2026

ISKRIP
Kay EMRO

Kakaiba pinsan ko
Pandarambong ang kaso.
Takbo sa pagamutan
Kulelat ang kulungan.

8 Setyembre 2026

ANG LORO AT ANG KUWAGO*

Mareklamo ang loro
Winaldas milyung piso
Binawasan ang tanod
Kapritsong hinihimod
Umuungot ng badyet
Pabebeng umiingit
Pondo na sinisita
Kambyo sa politika
Pa-victim ang bisyong peg
Parroting dilang bikig
Kaibigan kuwago
Iniwan bumabagyo
Lipad ng Alemanya
Tumiplad kay Carina
Pamilyang naghahari
Triad uri’t kalahi
Balahibong hunyango
May presidenteng Tsino
BFF na mga druglord
Quibuloy na juskolord
Philhealth sa mga may sakit
Dambong na inuumit
Uminit si Robin Mood
Pulandit labnaw ta_mood
May batong nakakalbo
Tinokhang nagbabato
Eunuch sa yak na tatay
Senador na alalay
Pundya ni Hariruki
Takas ikinukubli
Pogo na pinagpugad
Inampon bukas-palad
Umalis si Alice Gou
Gobyernong ginagago
Kinakapus ang textbook
Titser na sinisinok
Mulagat ng istorya
Kumupit at balota
Manunulat ang sabi
May multong nagkukubli
Sampung milyon kuwento
Mga librong nanloloko
Pahina ay usigin
Mga bunton pasiklabin

21 Agosto 2024

*ANAP VOL.2 (2026)

📷hindi sarili imahen

Clipperventure-L na barko
pag-aari ng Griyegong bilyunaryo.
Unang sumayad sa lalamunan
bersyon nilang Papaitan.
Tuwalya ng baka karaniwan
unang kulo itapon ang lansa.
Butero sibuyas bawang
paminta laurel na pampalasa.
Oras pinakuluan usal na binibilang
sa ngipin laman hindi lumalaban.

Sabaw sa pinggan lagyan hiniwang bawang
wiligan ng suka o lemon piniga.
Pulbos na paminta mantikang oliba.

Dayo sa panlasa ng pinoy na marino
marahil hindi humalik sandok sa kaldero.
Walang umasim na mukha
sampalok pulbos usbong bungang panuka.

Sa Griyego:

Kinakain matapos ang inuman
panabla sa magdamagan kalanguhan.

Sa Pilipino:

Pulutan kasabay sa tagayan kasayahan.
Ulam na bininibili namin sa karindirya
pinipiga sa bulsa pinagkasyang pera.
Subo ng kanin higop ng sabaw
nguso sumisid sa hinanap na laman.

24 Oktubre 2026

📷ctto

DOLMADAKIA

Barko na kargamento
Opisyales Griyego
Bilot nilutong bigas
Sa mga dahon ng ubas
Lemon ang isinama
Oliba na mantika
Tzatziki kombinasyon
Yogurt na umaayon
Kinamulatan kanin
Talulong dahon saging
Sinaing na tinakal
Buhol ang sumasakal
Alon lason bumalik
Otso onse na plastik
Tinatakasan bayan
Kahirapan sinagwan
Panlasa pumapait
Dolyar ang pinagpalit

Kwentulang Marino
20 Oktubre 2026

📷GreekFeast

Lagablab ng protesta
Tubig na ibinomba
Buntot ang kumakawag
Hakbang na yumayabag

Croissant hanap na pambili
Magkano ‘sang tasa ng kape?

Isinisibat humaginit na direksyon
Bastille mitsa ng Rebolusyon

Palipas na si Macron!

Kumusta na si Marine Le Pen
Kaliwa o kanan imahen

Kaibigan ba ng migrante?

26 Oktubre 2026

*sinasabi na AI Generated lamang ang imahen. Maging nakatuon direksyon. Pinaghalawan isang protesta sa Kenya (2025)

Inspirasyon ang tunay na kaganapan sa Pransiya. Na may krisis kabuhayan, politika at kultura. Tunay ang malawakang protesta. Tunay na gumamit ng dahas ang gobyerno.

#AIGenerated

Brazil

Sulong na partido ng uring manggagawa
Binigo makakanan Bolsonarista.
Karanasan pinanday ng bakal
Organikong talino niluwal.
Karisma bumubukal sa Favela
Salat sa arogansiya ng diploma.
Pinaghugutan lakas Trabalhadores
Isinusuka ng eletistang interes.

Nove Dedos!
“Siyam na daliri”
Buska mula sa reaksyunaryo

Papai!
“Ama ng mga Mahihirap”

Lula!
Pusit nagbubuga ng tinta sa mga Kapitalista

Mahigit apat na milyon umagapay
Nakalulula ang tagumpay.

Mula Albania,Serbia hanggang Brasilia.
Umiikot,natutuliro ang kahel na Trumpo
Habang naghihintay ng hatol ng balota si Netanyahu.

Mga manggagawa sa Maynila
Inspirasyon si Lula.
Sasalubungin si Donald Xenophobia
Pasusukahin ng Protesta!

Sipain ang Pax Silica.

Kwentulang Marino
26 Oktubre 2026

Nakatataba ng puso
binuhay ng Hollywood.
Kinukwento nina lolo lola
nasa upuang tumbatumba.

Paketeng kinatuwaan
tiyanak kapre tikbalang.
Binubura pinapatag
sinaunang kababalaghan.
Inaaliw ng pamilyar na tinig
ipinagmamalaki
grupong SB19 BINI
Liza Lea Jo Koy Dolly.

Mahal ko kayong Lahat!
Ugaling Pinoy!
Proud to be Filipino!

Batubalaning humihigop
sa nangungulilang diaspora.
Komoditing sima ng pelikulang dayo
kinakalma sinakop ginulong kultura.
Postmodernismong lumilito
kabataan saan patutungo?
Pagmamalaking
sumbat ni Soberano.
Pagkakataon bumubukal
gatas pulotpukyutan kanlungan.

Dekada ‘90 umaalingawngaw
indayog na ganyak ng Pet Shop Boys
Hong Kong Bar sa Houston tambayan

(Go West) Life is peaceful there
(Go West) In the open air
(Go West) Where the skies are blue
(Go West) This is what we’re gonna do

Panaghoy sa ilang
sa isla ng Samar!

Panaghoy sa bulkan
sa isla ng Sulu!

Kabinataang Baliwag
Magbangon Ka Bayan!

Bandila hablot pa
ingat ng mananakop
na dayuhang agila.

30 Setyembre 2026

SISA SA PELIKULA

Di alam ang pangalan
Di alam saan bayan
Sisa na pangnobela
Sisa sa pelikula
Bayan kong binabaliw
Dayuhan ginigiliw
Dugyot na tinuturing
Lupaing inaangkin
Ikinuti ng Kano
Maging sibilisado
Sa kamoteng nilaga
Tinidor at kutsara
Dilang wikang dayuhan
Umuunlad ang bayan
Matalino kay Miss Warren
Salitang isasalin
Modelong danas alam
Hamletting sa Vietnam
Pumatak na water cure
Ginamit na pangtortyur
Sakop gahasang basal
Parausang sinalsal
Mga puta’y inuusig
Putang hukbo’y pumanig
Sa tampalasang dayo
Laya pinagkanulo
Si Nena sumalamin
Kubabaw ng Trump-Eipstein
Asinta sa mga musmos
Agresyon tumatagos
Malasakit ay wala
Sa dayuhan pa kaya?
Sistema nababaliw
Ilan ang inaaliw?
Daga na nilalason
Natukoy ang kongklusyon
Mga babae nagpasya
Ginawad ang parusa
Dugtong dumilang apoy
Lagablab sumasaboy
Tinimpi kong islogan
Tugon pinalakpakan

11 Marso 2026
Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan

99

Base militar ng Kano
Pax Silica bagong anyo.
Minsa’y isang gamu-gamo
Tinuring na baboy-ramo.

27 Hulyo 2026

REGALO

Galit tayo sa China
Hindi sa U.S
Galit tayo kay Xi Jinping
Hindi kay Trump
Galit tayo sa Pogo
Hindi sa EDCA
Sanlibo animnadaan ektarya
Para sa Pax Silica

19 Mayo 2026

U.S TOMAHAWK

Mula Minab ng Iran
Mga musmos siniklaban
Batid ba ni Dayunyor
Tacloban hanggang Laur
Tomahawk na sinubok
Pumapatok ang putok
Balikatan laruan
Langit tinampalasan
China ang hinahamon
Bayan na kinakahon
Dagok sa Amerika
Giyera sumasalba
Isla na sinasakop
Sumpa na kinukupkop
Ganting ngitngit ng bomba
Pilipinas sasangga

6 Mayo 2026

EDCA*

Niligawan ang matsing
Sa kay kambing sumiping.
Pagong na giniyera
Nagtago sa kuweba.

8 Pebrero 2023

*ALINGAWNGAW NG ATING PANAHON VOL.2 (2026)

Ang maleta ni Mary Jane
may destinasyong- Dubai
gaya ng karaniwang OFW
may samut-saring laman
kahirapan
kamangmangan
kabiguan
hiwalayan
pangarap
pangamba
pangako
lakas ng loob
baka-sakali
kesa mamatay ng dilat
pagpuslit
pagtakas

Ang maleta ni Mary Jane
may samut-saring laman
gutom
pagod
puyat
mababang pasahod
alienasyon
diskriminasyon
maltrato
molestiya
pangungulila
pandarahas

Ang maleta ni Mary Jane
may destinasyong- Kuala Lumpur
gaya ng karaniwang OFW
may samut-saring laman
kahirapan
kamangmangan
kabiguan
hiwalayan
pangarap
pangamba
pangako
lakas ng loob
baka-sakali
kesa mamatay ng dilat
pagpuslit
pagtakas

Ang maleta ni Mary Jane
may destinasyong- Yogyakarta
bago
bagung-bago
sa biglang tingin ay walang laman
walang kalaman-laman
subalit may bigat
linlang
silaw
sindikato
takot
pulbos ng pantasya
akusa
trahedya
abandona
inhustisya
nagkumahog sa hatol
hugas-kamay
panangis
pagtanggi
paglaban
pagtanggap

Ang maleta ni Mary Jane
ay walang laman
walang kalaman-laman
kung hindi isang pagsamong

HABILIN

“Sa aking pagbitay
Iuwi ang aking bangkay.”

25 Abril 2015

*ALINGAWNGAW NG ATING PANAHON VOL.1 (2024)
Takas:Diaspora at Migrasyon

*Kabilang sa antolohiyang MARY JANE: MGA TULA (2015)

*BISA: THE MALETA PROJECT
ni Mideo M. Cruz

Giant Dwarf Art Space
Gallery 2
12 Nov.-15 Dec. 2023

DALAWANG MARIA

Mary Jane Veloso
14 taon nakalaboso.
Nilinlang
sa ipinadalang
maleta.
Kamatayan
ang parusa
drogang ipinuslit
sa Indonesia.
Palalayain
malamang
ang pagbabalik
sa ating bayan.

Mary Grace Piattos
inimbentong apilyido.

Malamang
habang inilalagda.

Malutong
ang halakhakan
kasabay
sa nilalantakan.

San(r)a
salaping
kinakamal
nilulustay.

Tulong
na mabawasan
ang mga biktima

human trafficking

sa pangingibang
bansa.

San(r)a
may kahatulan

firing squad

Sitsiryang
pinapatos.

Lagdang
hinuhuwad.

Pondong
dinadambong.

21 Nobyembre 2024

Kay Shu Lan

Kuwento ng panganay
Sinariwang paglalakbay.
Mga Pinoy na tindahan
Kanugnog ng pantalan.

Lumbay ng mandaragat
Tagay na kumakagat.
Sinalubong ng ngiti
Alok malutong na patani.

Babaing hubad sa ulo ni Sigmund Freud
May mukha ng mahikang namumukod.
Bitbit na cassette tape
Ngawit lakbaying pinapawi.
Alinlangan ni Cally Kwong
Dinastiyang Jin bumabagting na hinahon.
Pinong awitin ni Regina Tsang
Marangyang tunog ng Dinastiyang Tang.

Mayumi kang orkidya
Ginagayuma na aplaya.
Tinig angking may lugod
Halakhakan ibinubukod.
May lambing ang buska
Isa lang naman Myanmar at Burma.

Napipi ugong ng mga sasakyan
Marahang ipininid pintuang inuman.
Gunita ng pusa sa salamin
Tanging aninag na mahalin.

Nalalango sa palihim na bigay
Isang litratong walang kulay.
Umalon lugay ng buhok
Biglang lingon tumutupok.

Kwentulang Marino
24 Setyembre 2026

lumad killings rappler pix
Lumad
Panaghoy ng Pangayao*

Lumad
ang kolektibong
tawag sa mga katutubo
ng Mindanao

marungis
mangmang
hayop
kung ituring

“Yutang kabilin!”*

Mga ninuno’y may habilin
lupa ay pagyamanin
sa payapang pangasuhan
dugo’t pawis
ang handog
masamang espiritu
ang dayong lumukob

Binulabog
ang mga tanod
ng puno, ilog at gubat
sa kasukalan kami’y itinaboy
sagradong libinga’y binaboy

“Yutang kabilin!”

Natakam
ang mga dambuhalang korporasyon
ng troso, minero’t plantasyon
sa ningning ng ginto
ay nasilaw
saganang lupain
ay masibang kinamkam

Pusakal
mga alipures na militar
dangal
ng kababaiha’y malibog na hinalay
makabagong bagani*
magiting na igbujag*
ganti
karumaldumal na pagpaslang
awitin
ang “Lupang Sinira”*
rebelde
ang diretsahang paratang

“Yutang kabilin!”

Wala kaming pupuntahan
wala kaming pagpipilian
wala kaming masasandigan
bayaang malayang pumailanlang
sa ilog, gubat at kabundukan
tumagulaylay ang ritwal
ng PANGAYAO!

Emanzky88
10 Setyembre 2015

pangayao – ritwal ng mga Manobo sa paghahanap ng katarungan

yutang kabilin- kasingkahulugan ng pamanang lupa o “ancestral land”

bagani – isang magiting na mandirigma

igbujag – isang magaling na lider na itinakda ng komunidad

Lupang Sinira- makabayang awitin ni Pol Galang

*imahen mula sa Rappler