Wiki Loves Monuments
| Wiki Loves Monuments | |
|---|---|
Opisyal na logo ng Wiki Loves Monuments | |
Lahat ng mga bansang naging kalahok sa isang patimpalak ng Wiki Loves Monuments kahit isang beses man lamang, noong 2010–2022 | |
| Genre | Potograpiya |
| Nagsisimula | Setyembre 1[1] |
| Nagtatapós | Oktubre 31[2] |
| Lokasyon | Buong daigdig |
| Aktibong taón | 15 |
| Pinasinayaan | 2010 |
| Pinakahulí | 2025 |
| Mga kalahok | Potograpo |
| Inorganisa ng | Mga miyembro ng komunidad ng Wikipedia |
| Website | |
| http://wikilovesmonuments.org | |
Ang Wiki Loves Monuments (WLM) ay ang taunang pandaigidgang kompetisyong pampotograpiya na ginaganap sa buwan ng Setyembre at inoorganisa ng mga kasapi ng pamayanang Wikipedia sa tulong nga mga lokal na kaanib ng Wikimedia sa buong mundo. Kumukuha ng litrato ng mga lokal na makasaysayang bantayog at pamanang pook ang mga kalahok sa kani-kanilang rehiyon at ina-upload ito sa Wikimedia Commons. Layunin ng patimpalak na itampok ang mga pamanang pook ng mga kalahok na bansa at hikayatin ang mga tao na kuhanan ng litrato ang mga ito, at bigyan ito ng free license upang ito'y magamit nino man at saan man, at hindi lamang sa Wikipedia.
Unang ginanap ang Wiki Loves Monuments noong 2010 sa Netherlands bilang isang simulaing proyekto. Nang sumunod na taon, kumalat ito sa iba pang bansa sa Europa at ayon sa Guinness Book of Records, tinalo nito ang noo'y world record sa pinakamalaking paligsahang pampotograpiya.[3] Noong 2012, lumawig pa ang kompetisyon sa labas ng Europa at linahukan ng 35 bansa.[4] Noong Wiki Loves Monuments 2012, mahigit sa 350,000 litrato ng mga makasaysayang bantayog ang na-upload ng higit sa 15,000 kalahok. Noong 2013, ginanap ang Wiki Loves Monuments sa anim na kontinente, kabilang dito ang Antarctica at opisyal na linahukan ng higit sa 50 bansa sa buong mundo.
Mga nagwagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang talaan ng mga nagwagi ng unang gantimpala sa pandaigdigang Wiki Loves Monuments.
| Taon | Litrato | Potograpo | Bansa | Paglalarawan |
|---|---|---|---|---|
| 2010 | Rudolphous | Vijzelstraat 31 sa Amsterdam | ||
| 2011 | Mihai Petre | Litrato ng Monasteryo ng Chiajna sa tag-lamig. Matatagpuan ang monasteryo sa labas ng Bucharest. | ||
| 2012 | Pranav Singh | Libingan ni Safdarjung, New Delhi, India | ||
| 2013 | David Gubler | Ang RhB Ge 4/4 II na may push–pull na tren na tumatawid sa Wiesen Viaduct sa pagitan ng Wiesen at Filisur, Switzerland. | ||
| 2014 | Konstantin Brizhnichenko | Monasteryo ng Banal na Bundok, Sviatohirsk, Ukraine. | ||
| 2015 | Marco Leiter | Parola ng Westerheversand | ||
| 2016 | Ansgar Koreng | Ang bulwagan ng hukumang panrehiyon sa Berlin | ||
| 2017 | Prashant Khatore | Templo ng Khandoba, Pune | ||
| 2018 | Alireza Akhaghi | Moske ni Sheikh Lotfollah, Isfahan | ||
| 2019 | Marian Naworski | Inabandonang simbahang ebangheliko, Stawiszyn | ||
| 2020 | Farzin Izaddoust dar | Simbahan ni San Juan, Sohrol | ||
| 2021 | Donatas Dabravolskas | Royal Portuguese Cabinet of Reading,[5] Rio de Janeiro | ||
| 2022 | Kriengsak Jirasirirojanakorn | Isang lalaki na nagbibisikleta sa labas ng pader ng Dakilang Palasyo ng Bangkok | ||
| 2023 | Mona Hassan Abo-Abda | Mga Piramide ng Giza noong eksibisyong "Forever is Now", Giza | ||
| 2024 | Donatas Dabravolskas | Estatwa ng Kristo ang Tagapagtubos sa gitna ng mga kaulapan | ||
| 2025 | Hossein pourakbarian | Dayir-e-Gachin caravanserai |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ malimit na unang araw
- ↑ malimit na huling araw
- ↑ Guinness World Records, Largest photography competition, 2012.
- ↑ Eglash, Ruth (28 Agosto 2012). "Hundreds of cultural sites to be visually documented during "Wiki Loves Monuments event."". Jerusalem Post. Nakuha noong 15 Setyembre 2012.
- ↑ "And the winner of #WikiLovesMonuments 2021 is Donatas Dabravolskas with this wonderful photo of Royal Portuguese Cabinet of Reading in #Brazil. Great shot for a spot often crowded by tourists". Twitter.com. Nakuha noong Mayo 10, 2022.