Showing posts with label UP. Show all posts
Showing posts with label UP. Show all posts

Tuesday, June 1, 2010

pagbabago


matagal-tagal akong nawala. maraming nagbago. maraming nawala pero mas maraming nadagdag. hindi boobs. basta marami. isa na dito ang diploma ko. oo, finally ay gumraduate na ako. tapos na ang pagiging iskolar ko. 

working boy na ako ngayon. masaya ang trabaho. walang pressure, puro ngiti at hi-hello lang. may pag-ibig ulit sa trabaho. ayee.

Friday, February 26, 2010

sayang


dahil hindi ako nakadalo sa rocKEumentary* (at first time ever kong umabsent sa UP event na 'to), naisipan kong magkaroon ng sarili kong version sa bahay. bumili ako ng GPS, yosi at syempre pa, nagpatugtog ako ng acoustic music sa laptop ko. perfect! pero iba pa rin pag nandun ka, nakiki-jam kasama ang mga kaibigan. 

*ang rocKEumentary ay isang acoustic night na inoorganisa ng Kappa Epsilon Fraternity and Sorority. dito nagkikita-kita ang mga tumutugtog, lasenggo at mahilig bumuga. 

Wednesday, February 17, 2010

ANONG PAKI NYO SA LONG HAIR KO?


naglinis ako ng drawer ko sa kwarto kanina. natigilan ako nang makita ko ang pictures ko noong 1st year college pa ako. isa lamang ito sa napakaraming long-hair pics ko. totoo, lampas-balikat ang buhok ko noong 1st year college. siguro nanibago ako sa kultura ng UP, walang rules sa itsura e. kaya tuloy, nagmukha akong taong-gubat. watchathenks? haha.

ngayon gusto ko ulit ang buhok na 'yan. kaso ayaw na ng lahat ang dati kong itsura. napamahal na sila sa mukha ko ngayon. weh! haha

Thursday, February 11, 2010

murahan




sa iskul ko noon, may tambayan ang mga bugarets at posers --- kina ate ling. isa lamang itong maliit na tindahan pero doon madalas tumatambay ang mga nagtatago sa mga mata ng office of the student affairs dahil sa smoking ban. kung hindi man nagyoyosi o tumatagay ang mga tao sa kina ate ling, tiyak tulog sila. 


maynard


elton

ako

pero nung last sem ko na sa skul, biglang may umiksena na sa lugar. mga studyante din -- persyear architecture -- na parang pumasok sa skul para kumuha ng hangin at ipasok ito sa ulo. airhead kung airhead. at ganito sila mag-usap:

arki1: putang-inang shet pare, kulang pa ang tulog ko.
arki2: fuck pare, pareho lang naman tayo. tang-inang draft kasi yon e, shet masyado.
(tapos may barkada pa silang t-bird na sisingit)
arki3: kaya nga mga dude, bat kasi nagshat pa tayo kagabi, 'ta nyo tuloy, inumaga ako sa plates ko. tang-inang-shit naman to o.
all: tang-inang-shetness-fuck-you-dude naman o!

ganyan sila mag-usap. mas marami pa ang mura kaysa sa pandiwa, pang-abay at pang-uri. promise, umiiinit ang ulo ko sa kanila.

Monday, January 25, 2010

I heart BT





inuman ng BT* nang kinuha ko ang picture na 'to. sabi nga namin, hindi naman talaga ang alak at yosi ang nagpapasaya sa amin, instrumento lamang ang mga ito dahil mas lumalabas ang pagiging masayahin at totoo namin pag may alak. ang nakakalungkot lang, watak-watak na ang BT ngayon. ang iba ay busy na sa kani-kanilang mga trabaho. at ako, stranded sa bahay. kaya naman abstain muna ako sa yosi at alak. miss ko na ang BT (ang tawanan at ang asaran)--- more than the alak and the yosi. :(



*ang BT ay ang mga superfriends ko way back college.

Thursday, January 21, 2010

segue

 

san makakabili ng tee na 'to? gusto ko to, gustong-gusto.
feeling ko kasi, sa ilang araw kong patambay-tambay, patumbling-tumbling, pahiga-higa at pa-you-know-na, naisip kong nagiging selfish na ako masyado. hindi ko man lang pinapasa ang mga application letters na piniprint ko. wala, wala akong silbi sa pamilya ko. 
WEH! melon lang yan. ito talaga ang dahilan kung bakit gusto kong bilhin ang tee na 'yan. ;)


Wednesday, January 20, 2010

MARIA O!




adik ata ang langit at ayaw nang palabasin ang haring araw. gloomy, kumbaga.
sa ganitong mga pagkakataon, gusto kong bumalik sa dati kong kwarto sa boarding house. pambihira, wala kaming paki kahit bumagyo pa sa labas. ang mahalaga, nasa loob kami at masayang-masaya sa panonood ng videos. miss na kita maria ozawa. :(

Tuesday, December 15, 2009

usapang beerday

 

"Colin Estrellada asks.. whatttabout 21st bdays!?!?!? what's with getting 21? huh? P.S. bawal magcomment c Vince Amorio. puh-lease!"


yan mismo ang status message sa fb ng kaibigan kong si colin. bawal pala akong magcomment ha, e di nag-wall ako sa page nya. diba naman? at yan na nga ang takbo ng usapan namin. usapang posers.





Wednesday, November 18, 2009

datcom

 
 sa UPMin, maraming tambayan ang mga isko at iska. pero alam ko, para sa mga sunog-baga at bugarets, and datcom ang pinakapaborito naming nilang lugar. kaya naman, noong huling binisita ko ang datcom, nag-novemBEER fest ulit ang lahat. lasing kung lasing. hithit dito, hithit doon.

 

gusto ko ulit bumalik sa datcom... and get wet!


Monday, November 9, 2009

barado


na-tag ako sa picture na 'to sa facebook (paki-click). sabi ko naman sa inyo may facebook ako.
ang cool nito. sana naisipan ko rin dati na lagyan ng liham, na gaya nito, ang cr ng kwarto namin sa boarding house. medyo nag-ooverflow din kasi paminsan ang sahig ng banyo.

Tuesday, November 3, 2009

halo-halo

 

masaya na nakakalungkot. masaya dahil tapos na ang buhay-kolehiyo ko. ang larawan sa taas ay bunga ng pagsisikap ko - ang thesis ko. ang nakakalungkot, sa pag-alis ko sa UP Min, sabay din na aalis ang aking adviser.  hindi naman ako ang dahilan ng pag-alis nya. confidential daw (pero alam ko kung bakit).
sayang lang. isa pa naman sya sa pinakamagaling magturo. magiging ganap kang communication scholar kapag naging estudyante ka nya. 
mamimiss kita ma'am jen!


Monday, August 17, 2009

dildo

At kung akala nyo notebook, ballpen at laptop na lamang ang dala ng mga isko at iska ngayon, nagkakamali kayo! Nakita ko ang bag na ito habang tumatambay ako sa atrium. Spell n-a-w-i-n-d-a-n-g ang aking drama. Hindi ko kinaya. Napaka-cool ng aking schoolmate na may-ari ng bag na ito.

Sunday, August 9, 2009

roxas stopper


ang byaheng ito ang umuubos ng pera ko araw-araw. kaya naman minsan, nanaisin ko pang umabsent na lang sa klase. at last week, hindi nga talaga ako pumasok. sira na ang atay ko kaka-absent. :(

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails