Pages

Wednesday, January 28, 2009

Thank You Girls.... Thank You So Much...



The Thank You Girls (4th movie for the year). Una gusto kong magpasalamat sa mga taong nasa likod ng pelikulang ito. Ito yata ang nagiisang pelikulang Pinoy na malayang naipahayag at naipakita sa mga manonood ang kultura at tradisyon ng mga baklang Pinoy na sumasakop sa dalawang henerasyon. Nakapaloob na diyan ang simpleng kalandian ng mga batang “nagdadalaga”, hanggang sa malalaking problema gaya ng takot na maaaring hindi matanggap ng pamilya pag nagladlad ka na. Nandiyan ang diskriminasyon, ang hirap sa paghahanap ng lifetime partner, ang pagharap sa katotohanang mahirap tumandang mag-isa, mga baklang nagkapamilya, at marami pang iba. Imagine lahat yan ginamit na material sa movie ng hindi nadidiskaril ang tema. To think na mabigat at malalim ang mga ideyang nais iparating pero naipahayag ito sa paraang magaan sa pagtanggap ng mga viewers. From frame to frame BONGGANG BONGGANG BONGGA!!!

Maagang natapos ang klase ko kahapon. Tambay ako sa T-spot. Masaya dahil maliban kay BBB ay kumpleto ang mga TLs. Ang mga kolbang na sina Jhay at RJ nandun din. Ang payat ni Jhay, nagkakaproblema daw kasi sa gf niya. Niyaya ko siyang ‘maglaro’ kami saglit sa banyo pero wala daw siya sa mood. Nyahahahaha…. Naghanap ako ng makakasama sa galeria para manood ng Thank You Girls. Si NJ kasama kong naglunch at matagal ko din siyang pinilit na samahan ako pero talagang gusto daw niyang pasukan yung major niya. Tuesday kasi eh, lahat ng TL 7 to 7 ang klase, maliban sakin. Pero si Bernard, dumating wala daw siyang major. Yeiz, may kasama na akong manonood. Niyaya ko siya agad, pero pagod daw siya at gusto ng umuwi. Nung sinabi kong libre pati pagkain, mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagdampot niya sa bag niya, ‘TARA!’ Habang nasa bus, mega spluk niya sa akin ang mga pinagdadaanan nila ng gf niya na twice ko naring nakasama. Panay naman ang ‘ows?’ at ‘ah’ ko sa pagitan ng mga kwento niya. Peste may sipon kasi ako eh, hirap magsalita pag barado ilong. Kainis.

Yun na nga. Bumili agad kami ng tiket pagdating sa gale. 2:35 ang start. May thirty minutes pa kami. Take out kami sa mcdo. Pagkatapos ng napakaraming trailers, nagsimula na. Simula palang baklang bakla na.

‘Ano to? Pangbakla?’ gulat na sigaw ni Bernard sa tenga ko. Nyahahahaha hindi naman kasi siya nagtanong kung ano papanoorin eh.

‘Oo. Pero don’t worry comedy toh, walang malaswa,’ paninigurado ko.

Tahimik siyang sumandal at nagconcentrate sa french fries. Maya-maya pa, panay na ang halakhak ng gago. At panay ang mga usal niya ng ‘astig’. Astig daw ang soundtrack, at pansin ko din ang ganda ng mga songs na ginamit ha. Parang hindi indie film itoh. At astig daw ang mga banatan ng mga bayot lalo na pag na-ookrayan. Ang dami talagang eksenang hindi ko kinaya. Halos maiyak ako sa katatawa. Lalo na ang mga question and answer portion nila habang nasa tuktok ni Char Lang, na pinakabayot sa lahat ng jipelya sa balat ng lupa. Pero nafeel ko rin ang moment ng mag-inang Christina at Mommy Paula.

‘Kaya lang naman ako nagagalit dahil ang mga taong mahalaga sa akin, kung ituring mo parang basura,’ or something to that effect ang linya ni mommy Paula. Tinamaan ako diyan ha!!!!

Shet talaga. Pagkatapos ng pelikula, mapapadasal kang sana may karugtong pa. Alam na alam na siguro ng direktor na ganyan ang mararamdaman ng mga tao, kaya naman may tugon sa mga dasal mo. Biglang ibabalik si Bernadette…. At ang huling eksenang yun ang magiging sanhi ng kabag mo!!!

‘Bakit kaya hindi nalang yung mga ganung pelikula ang i-produce ng mga big movie companies, no?’ tanong ni Berbard paglabas namin ng movie house. ‘Kesa yung mga patweetums na movie na wala namang kwenta,’ dagdag pa niya.

‘Ewan ko,’ sabi ko. Hindi ko naman talaga alam isasagot ko.

Hanggang sa pagtulog naalala ko yung movie. Iniisip ko kung sino ako sa kanila. Feeling ko si Chris, emotera kasi ang bakla eh. Dami-daming kinikimkim, ganun din kasi ako, lalo na sa pamilya. Pero pagdating sa kakapalan ng mukha, Macariong Macario ako hahahaha. Yeiz, minsan wala din akong takot umeksena kahit alam kong wit na keri. Give it a shot parin ang drama. May pagka-mommy Paula din ako when it comes to love. Pesteng mga lalake kasi yan. Ewan ko ba kung bakit para akong magnet sa mga lalakeng may asawa na. Sa okrayan, Allyson ako, mapanlait ako eh. Tsaka feelingera. Pero sino bang bakla ang hindi? Hindi ko pa naman naranasan majombag ng kahit na sino, kaya parang wala pa akong eksenang Vanette. Minsan nga ako pa ang nang-oombag. Hehehehe. Okay aminin ko na may pagka Bernadette din ako. Hahahaha GAGAH! Hindi ako matinggera noh. Bernadette din ako in the sense na malaki din ang tt ko. Hahahahaha.

Char Lang!!!!

Photo via http://bebsisms.blogspot.com

Tuesday, January 27, 2009

Kalbo...



Lunes na lunes. Chinese new year na chinese new year pumuputok ang fuse ko. Imbey talaga kahapon. Bonggang bongga pa naman ang gising ko dahil nakatulog ako ng walong oras, ng hindi binabangungot. So maaga akong pumunta sa skul para iwas sa araw. Scan ako ng ID sa gate, diretso pasok. Naloka ako, may guwardiyang humabol sa akin.

‘Bakit manong?’

‘Yan na ba ang tamang hairstyle ngayon sa skul sir?’ sabay turo sa buhok kong tirik patungo sa lahat ng direksiyon.

‘Bakit manong? Sa tingin ko wala akong nilalabag na rules sa student’s handbook,’ sagot ko, kahit hindi ko pa nababasa ang handbook. Pero confident ako na hindi sakop ng mga bawal dun ang mahawk na gupit.

‘Bawal po yan sir,’ diin niya. Pero halatang asiwa. Nanlilisik na mata ko eh.

‘Manong buong first sem na ganyan ang gupit ko. Bakit ngayon niyo lang ako sisitahin? Kahit dalhin mo ako kay Dean. Siya mismo sinabihan akong trendy ang hair ko last sem, basta daw huwag kong pahabain. May isang buong klaseng magpapatunay niyan,’ banat ko.

‘Eh outlandish po kasi eh,’ ganti niya.

‘May kulay ba manong? Mahaba ba? Sige define outlandish!!!’ napipikon na ako eh.

‘Ay hindi na. dalhin na lang kita sa Dean niyo.’

Nyahahahaha ayaw magdefine. Pero seryoso siya. mega escort niya ako sa office ng college namin. Shet. Sakto nasalubong namin ang secretary ni Dean. Close kami nito, yes!

‘Mam E, tong estudyante ng college niyo, violation po ang buhok eh gusto daw niyang makausap si Dean,’ paliwanag ni manong.

‘Eh kasi ate (yan tawag ko sa kanya) sabi niya ngayon lang daw niya ako nakitang ganito ang gupit. Last sem ganito rin naman ang hairstyle ko di nila ako sinisita. Sana hindi na ako nagpagupit ng ganito kung alam kong bawal,’ sabat ako.

‘Ma’am ngayon lang namin napansin eh,’ paliwanag ni manong.

‘Imposible yun. Araw-araw akong labas pasok sa gate, never niyo akong sinita. Bakit ngayon lang? Ibig sabihin hindi niyo ginagawa ng maayos ang trabaho niyo,’ I swear rinding rindi na ako.

‘Hind naman po sa ganun,’ paliwanag parin ni manong kay Ate E. nakahalta yata si ate na walang patutunguhan ang usapan.

‘Sige po manong, ako na ang bahala. Ako na magdadala sa kanya sa office,’ sabi ni ate.

‘Thank you mam,’ sabi pa ni manong. TSE! Thank u thank u ka jan!!!

‘Wala si Dean. Pano yan? Baka bukas tuluyan ka ng d papasukin ng mga guards,’ sabi ni ate habang paakyat kami.

‘Sige ate, papaayos ko nalang po gupit ko after classes,’ sagot ko. ayaw ko namang makipagtalo pa kay ate E. Tsaka ang bait bait niya sa akin. Nahiya naman ako. Shet talaga si manong. Sana mangisay na siya. D ko pa nai-enjoy ang buhok ko eh.

*****

After classes diretso ako sa salon ni Rey. Inabutan ko ang mga bayot na naglilinis ng salon. Tinanghali ng gising dahil nag-inuman daw sila the night before at natutulog sa taas ang isang long lost lover ni Rey. Tarayful. Sinabayan talaga ng putukan ang chinese new year.

‘Para buong taon na may dilig,’ diin ni bayot. Inayudahan naman nina Red at Yuki.

Dumating ang Rhea na naka green. At may dalang feng shui magazine.

‘Potah ka. Late ka na nga iba pa ang uniform mo. Pula tayo ngayon. PULA!’ salubong ni Rey.

‘Yan ang suwerteng kulay sa araw na ito. Sabi sa horoscope ko,’ sagot naman ni Rhea sabay wagayway ng dalang magazine.

‘Gagah. Pano ka susuwertehin eh may penalty ka dahil jan. kahit ilan ang mercy mo ngayon, kalahati lang ang sahod mo,’ si Rey natatawa.

‘Ay okray. Huwag naman mami,’ pacute naman si Rhea.

Bumaba na si red na bagong ligo at bihis. Sumalang na ako para mapaayos ko ang buhok ko. Paninipisan ko lang. Read akey ng feng shui mag. Madami ek-ek, yung iba may sense, yung iba naman purong patawa lang.

‘Anong nangyari sa boylet mo kagabi Red? Construction worker yun d ba?’ may halong panlalait na tanong ni Rhea.

‘Ay naku. Hindi ko nahada. Puntahan ko daw sa construction site nila mamaya. Pero day aminin mo, fresh. Mukhang bagong salta. Masarap pang balahurain. Ahm!’ sagot ni Red na may patikom pa ng bibig. “Hoy Yj. Basahin mo nga sa akin ang horoscope ko. Aries. Baka suwertehin ako ngayon,’ baling ni Red sakin habang nire-razor ang natitirang buhok sa ulo ko. Hinanap ko naman agad ang horoscope page.

‘Aries,’ panimula ko. ‘May umaali-aligid na pag-ibig.’

‘Aaaayyyyyyyyyyyyy,’ sigaw ni bakla sabay talon.

‘Oy tangina mo, marazor mo tenga ko!!!’

‘Ano pa? ano pa?’ excited na si bakla.

‘Masuwerteng lugar ang mga construction sites. Makakahanap ka dito ng hada. At hindi magpapabayad, dahil ganun ka kaganda sa paningin niya. Pero mag-ingat dahil habang palabas ka ng site ay matitisod ka at madadapa sa nakausling bakal. Tutusok ang bakal sa tiyan mo at tagos hanggang likod. Pero hindi ka jan mamamatay. Malalaglagan ka ng patong patong na hollow blocks mula sa mataas na palapag. Babasagin nito ang mukha mong lutong luto sa astringent. Pero buhay ka parin. Maliligo ka sa sarili mong dugo. Hihingi ka ng tulong. Lalapit ang boylet na hinada mo pero hindi ka makikilala. Aakalain niyang magnanakaw ka kaya tatadyakan ka ng tatadyakan sa buong katawan at pati mukha. Pero marerealize niyang ikaw pala yung bayot na mukhang babae sa paningin niya na kanina lang eh nakasiping niya. Tutulungan ka niya at dadalhin sa ospital. Takbo siya habang buhat ka sa kanyang mga bisig. Matitisod siya at madadapa. Maiitya ka at malalaglag sa manhole. Mamatay kang hindi mo alam ang dahilan,’ pang aasar ko.

Natatawa lang sina Rhea, Rey at Yuki.

‘Ah ganun?’ si Red mukhang d natutuwa.

‘Joke lang,’ sabi ko.

Kalbo na ako ngayon. Kinalbo ako ni bakla. Shet!!! Hindi ako natawa sa biro niya.

Monday, January 26, 2009

Chicken Little....



Pumunta ako ng trinoma last Saturday(jan 24) to meet my high school friends Ace ang Ven. Tatlong buwan na pala ang Ven dito sa Pinas pero ngayon lang nagparamdam. Busy daw siya sa probinsiya. ‘Hahahaha. Mukha kang si chicken litte!’ yan ang banat ni Ven pagkakita sa buhok ko. Deadma lang ako. Basta gusto ko ang ganitong gupit. We spent over an hour in Cyma. Munching on greens, angel hair drowned in seafoody sauce (whatevz) and little clams, and grilled swordfish. Shet. Nung mga nakaraang gathering, madami kami. Mga tipong sampu. Ngayon tatlo nalang kami. Nagsipagliparan na ang mga hinayupak. Tapos aalis pa ulit siVen sa Feb.04. Dalawa nalang kami ni Ace. Gusto ko na rin tuloy bumalik ng Japan. Eh kaso nga d pa ako guma-graduate. Tama ba naman kasing papiliin ako ng mudra kung diploma o apo ang ibigay ko sa kanila (asa!). Siempre diploma na noh!!!

Natural na kung sino ang wala siyang pag-usapan. Entertainment Live eksena namin. Mula sa mga kaibigang traydor, hanggang sa mga kaibigang matagal ng natapos ang karir sa pagtakbo sa Sta. Ana race track. Mga kaibigang dating bayot na naging straight daw, tapos naging bayot ulit, hanggang sa mga DATING kaibigan na buntis at hindi alam kung sino sa dalawang jowa niya (na magkapatid ha, take note) ang ama ng bata. Kaloka. Lahat yan, at marami pang iba, napagtsismisan namin.

Dahil sa kabusugan, kailangan medyo maglakad-lakad. Kaya naman window shopping ang eksena. Sila may mga pambili, ako wala. Kaya tamang tingin-tingin lang. Watch kami ng movie afterwards. Nakalimutan ko title… bride war? Bridal war? Basta may bride at war yun nah. Third movie ko yan for the year. Ok lang naman. Not that hilarious pero may mga funny moments naman. Mas okay na yun kesa naman yung tipong trying hard na yung movie magpatawa eh d ka pa natatawa. Maraming ganyan.

After ng movie, fly ako ng drugstore. Bili ako ng….. REGROE… okay sige na nga. Yan talaga ang dahilan kung bakit ako nagpagupit ng ganyan. Para mas madali i-apply ang hair grower na yan. Umaangat kasi ang hairline ng bakla. At natatakot ako ha. Shet. Wala pa naman akong nasusubukang kahit na anong hair treatment. Ito palang. Ah, yun palang sabila (aloe vera). Yun, sinubukan kong ikuskos sa anit ko. Pero shet naman, ang baho. Amoy baktol. D ko kinaya. Pero dahil malapit lang ang skul ko sa St.Jude, I made a mental note na ipa-bless ang binili kong hair grower. At padasalan na rin. Para mas powerful. Shet ano kayang sasabihin ng pari sa akin?

Sa starbucks, wala kaming ibang napag-usapan kundi ang goiter at thyroid problem. Kasi naman, kaming tatlo medyo dilat. Yeiz, as in biggie size ang mga mata. Buhay na spotlight kumbaga. Eh itong si Ven daw kasi, iba yung doctor na inabutan niya nung magrenew siya ng medical. Ayun, nirefer daw siya sa ibang doctor para masiguradong wala siyang goiter. Malaki daw kasi ang mata niya baka daw meron. sinabi na niya sa doktor na inborn ang luwa niyang mata, pero wit, hindi nakumbinse. Ayun gumastos pa siya eh negative naman daw. Buraot.

Friday, January 23, 2009

Epek...


Siempre pa, sa panahon ngayon, mabuti na ang maniguro. Kaya naman pag bet nating bumili ng kung ano-anong ‘pampa’, may I ask muna natin kung may side effect ba. Gaya ng isang friendship ko dati sa work, si Mac . Ang dami na niyang nasubukang pampapayat. Tableta, kapsula, tsaa, pahid, at kung ano-ano pa. Yung iba, feeling ko eepekto sana, kaya lang maya’t maya naman ang lamon ng bakla kaya wala ding kuwenta. Minsan nagkausap sila ng isa pa naming friendship na bilat na matagal naming d nakita. Sobrang fayatola ng bilat. Kaya naman excited na magtanong ang bayot kung ano ginamit niya. Siempre sa isip-isip ko “shabu”!!! Mukha kasing nag-adik ang potah sa kapayatan niya. Nakalimutan ko na yung name nung gamot, pero identical sa bangkok pills. Pero ayon sa bilat eh powerful daw talaga. Epekto daw nito eh parang yung ibang pampapayat din na erna ka ng erna (tae ng tae sa mga shunga). Shining shimering bling bling agad ang mata ng bayot, parang nakakita ng bagong pag-asa. Umorder agad ang bakla at nakuha niya after three days.

Sinabihan siya ni bilat na ideal inumin kung nasa bahay ka lang dahil bubureret ka daw talaga ng todo. Pero dahil nga sanay na si bakla sa mga ganitong eksena, sigurado daw siyang kaya niyang i-handle ang bagong droga. Hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Pumasok kami ng alas-kuwatro ng umaga, by 6am ay nagbreakfast kami at after eating, inom agad ang bakla ng pill. Balik sa mga cubicle. After thirty minutes, dumadagundong na ang tiyan ng bakla. Powerful nga, ang bilis ng epek. Ox agad ang fotah at takbo sa CR. Pagbalik niya, dumaan pa sa akin at nagyabang… ‘mare puro fats ang erna ko, effective!!!’

After another thirty minutes, nakita kong tumayo nanaman ang bakla. Pero deadma lang ako. By lunch time, nakatatlong balik na siya sa CR at masama na ang tingin sa kanya ng TC niya. Ubos na kasi ang ox time ni bakla. ‘Potang ina, para akong nagtatae. Hindi ko kaya ito mars,’ banat niya habang nakatitig sa baon niya for lunch. Natatakot daw siyang kumain dahil baka mapuno ang tiyan niya at magsimula nanaman siyang ma-erna. Pinilit ko siyang kumain kahit konti lang. Sumubo naman siya. Fifteen minutes bago kami bumalik sa work station, nakaramdam na ulit siya ng pagkulog sa tiyan. Takbo ang bayot sa CR. Ten minutes na akong nakalog-in wala pa siya. Inisip ko na baka maraming tao sa CR dahil breaktime nga. Pagbalik niya, dumaan ulit siya sa akin, pawisan ang bakla. ‘Uwi na ako, papaalam ako kay TC. Potang ina kasi ang tagal nung mga bwisit na lalake mag CR eh,’ bulong niya.

‘Bakit anong nangyari?’

‘Naerna ako sa brief,’ natatawang bulong niya. Makapal ang mukha nito, hindi nakuhang mahiya. Humagalpak naman ako ng tawa. Hindi ko maimagine kung anong ginawa niya sa CR para malusutan ang kahihiyang ito.

‘Tinapon ko na yung underwear. Kaya uwi na ako, baka sa pants naman ako maerna. Error yun. Tangna mo, wa ka ispluk ha,’ sabay talikod si bakla para magpaalam sa TC niya.



After work, nagkayayaan kami mag-inuman ng mga friendship. May nagkuwento tungkol sa isang underwear na nakita niya sa trashcan sa CR, may erna daw. Sabi ko nalang, 'eeeeeew!'

*****

Nung una kaming magkita ni RJ after xmas vacation, eto ang banat niya sa akin, ‘wow ang puti mo! Epektib ang payong mo ah!’ sabay tawa ang gago. Hindi lang siya ang nagsabi na pumuti nga daw ako. Halos lahat sila sa TL. Yeiz, isa akong negritang walang hinangad kundi pumuti. By all means ito. By hook or by crook. At talaga namang hate na hate ko ang araw. Para akong bampira. Pag papasok ako ng skul, aalis ako ng bahay habang madilim pa. At uuwi ako pag wala ng araw. Pag kailangan talaga, may payong ako. Yan ang hindi nawawala sa bag ko. Payong. Ang pinakaimportanteng bagay para sa akin. At sunblock. Kaya naman lahat na yata ng brand ng glutha eh nasubukan ko na. Maliban sa Lucida na peke daw hahahaha, buti nalang. Pero walang umepekto. Pinakuli itong Pure White ng Shiseido. May kamahalan dahil pinapabili ko pa sa mudra at sisteret ko sa jafan jafan sagot sa kahirafan. 3 weeks palang akong umiinom. 9 tablets a day ito (nung una borkot akei, any moment overdose). Ayoko namang pumuti dahil sa pamumutla, dahil tegi na pala ekez. D enjoy yun noh! Pero yun daw talaga ang dosage. 270 tabs per bottle, kaya 9 tabs a day para sa isang buwan isang bote.

Pero shet may side epek, pansin ko, kain ako ng kain. As in wala akong kabusugan. Okay lang sana eh, dahil I’ve been trying hard to gain weight kaso d naman ako tumataba. Fayatoladik (sobrang payat na mukha ng adik) parin akei. Lafang akez bago pumasok sa school, lafang every break, lunch, dinner, matutulog nalang ako magugutom pa, kaya kain ulit bago matulog. Ang gastos. At napapansin ko rin, more tulog more fun talaga ako. Naka-ilang absent na ako since classes resumed. Bagay na hindi ko ginagawa. Kung ano-anong dahilan sinusulat ko sa excuse letter, pero sa totoo lang, natulog lang naman ako. Gaya ngayon, hindi nanaman ako nakapasok dahil hindi ako nagising. Pero on the bright side, yung mga tatlong araw na hindi kami nagkita ni NJ last week, sinabi niyang namiss niya ako. Nyahahahaha… mag-aabsent na nga ako lagi. Joke!!!

Pero happy ako, dahil umeepekto ang Pure White. Puputi na ako sa wakas!!!

Bwah!

Thursday, January 22, 2009

Happy 6th TLs



Happy 6th monthsary sa minamahal kong TL family. Miss ko na mga kagaguhan niyo. Boys, miss ko na pambabalahura niyo sa akin, lalo na ikaw Jhay. Dali na, subo kitah!!!

Dumating na si NJ galing Boracay. Hindi man lang nangitim ang gago. Hindi naman daw kasi siya naligo, puro kain at tulog lang. Sosyal!!! Siempre dumayo sa Bora para lang gawin ang mga pwede namang gawin sa T-spot. Sheeeet ka!!! Pero thank you sa pasalubong mong keychain. Natuwa ako, pink kasi yung napunta sa akin. My peyborit. Pero mas matutuwa ako kung sasabihin mong lalayasan mo na ang POK (hindi siya pokpok, isang malaking POK lang) na si Cinder at sa akin ka na sasama. Gagawa tayo ng maraming maraming baby natin na puro boys at lahat kamukha mo para guwapo (kasi pag ako kamukha, magmumukha silang babae, ang ganda ko eh!)….. Hinding hindi ka magrereklamo na napupuyat ka sa iyak ng bata dahil hindi magiging iyakin mga baby natin. Pag umiyak sila, papasakan lang natin ng pacifier sa puwet at matutuwa na sila. Mga bakla din lahat kasi mga baby natin. Promise ko din na hindi kita masyadong lalaspagin. Mga twice a day lang tayo magjujug-jugan. D gaya ng demanding na si Cinder na ayaw ng ipahugot ang notring mo sa keps niyang ayon sa balita ko eh napapaligiran daw ng sibat. Kaya ba d mo siya mahiwalayan? Nag-eenjoy ka din ba sa mga sibat ng kepz niya? Eeeeew!!! Pag tayo na, mamahalin kita ng bonggang bongga. Lahat ng hilingin mo ibibigay ko. Shet! Baklang bakla ako. Irerespeto kita d gaya ni Cinder. Okay, babalahurain din kita pero konti lang. Tipong gagawin kong toothbrush ang notring mo. Pero yun lang. Sa ganung paraan ka lang mababalahura, pero may kasamang pagmamahal yun. Pakyu ka!!! Magising ka nga!!! D mo ba nakikita? Tayo ang para sa isa’t isa. Alam mo yan! D mo lang alam na alam mo!!!!

Hmmmmmmmmp gagawa na nga lang ako ng assignment. Happy 6th monthsary NJ. I LOVE U, sa tagalog, TAGLIBOG AKO SAYO.

Tuesday, January 20, 2009

Ang Tanga Baw...

1st – fotang ina naman Rustom. Keri naman ang pagirl na aura mo pero ang namesung!!! Bebe Gandanghari? Saan mo nakuha yan? Sana Putingtae nalang apelyidong gamitin mo para pure na pure ang dating. Estufishet!!!

2nd – hindi ko nakikita lately ang mg TLs ha! Namimiss ko na ang mga kolbang na sina RJ at Jhay. Sabi ko na eh, dapat pumayag na ako nung niyayaya ako ni Jhay na hadahin ko siya. Nagpagirl pa kasi ako. Shet!!!

3rd – nasabi ko na bang malas si Shrek? Ang bayot at dinalaw nanaman ng kakambal niyang si KAMALASAN. Ewan ko ba kung anong meron sa baklang ito at laging nawawalan ng cellphone. Ten years ago, ganyan na eksena niyan, college pa kami nun (college parin ako hanggang ngayon). Kasi nga nung araw, nalihis ang landas ng bayot at natutong mag-ishi. Kaya naman pag nawawalan ng gamit eh lagi kaming nagdududa na baka binenta para may pambisyo. Pero dahil may konting kabutihan naman sa kalooblooban ng friendship kong to, kaya sige na, give him the benefit of the doubt na. Hindi ko na maalala yung mga eksena niya nung college, basta maya’t maya siyang nawawalan ng nielpon.

Mid 2006, first reunion ng mga Bombo. Bonggang bongga ang nielpon ng bayot, brand new. D ko maalala kung anong model basta de-slide at neon pink ang kulay. Basta nagkakahalaga ng $400 dahil padala ng madu niya. May kasamang boylet nun ang bakla na ala Al Pacino dahil have ng scarpez. Guapo sana kaso nga malaki talaga ang peklat sa mukha. Pero dakiz daw sabi ni Shrek, although wititit daw niya jowa. Siempre d kami naniwala. Kilala ko ang bakla, mahilig siya sa mga boylets na napupulot lang sa tabi-tabi. Yung mga tipong troli boys na makikita sa riles malapit sa kanila. Feeling ng bakla eh mas madali niyang mamamanipula. Basta ngenge na kaming lahat ng maghiwa-hiwalay. Kinaumagahan, tumawag ang bakla sa landline ko. Nagngangangawa. Nawala daw ang nielpon. Suspetsa ko yung boylet ang kumuha dahil nagmotmot pa daw sila. O d naman kaya eh kusa niyang binigay sa kalasingan niya. Pero mega defend ng bakla ang boylet niya. Whatevz.

Wala pang two weeks, may umuwing kamag-anak ang bayot galing States. Pinalitan ng mudra ang nielpon, mas bongga, motorola. After 5 days, rumampa ang bakla sa Batangas. Niyaya daw ng mga beking taga-aplaya. Nakipag-inuman sa mga boylet na wititit niya knows. Keri naman daw ang mga pezlak. At kakaumpisa palang ng nomo, may nagpapabuking na sa kanya. Ganda ng fotah. Naubusan ng alak. So mega prisinta ang bayot na bumili ng alak with the booking. Eh sobrang liblib ang lugar at talaga namang malayo daw sa kabihasnan. Walkathon daw sila patungo sa napakalayong tindahan. In the middle of nowhere, at out of nowhere, biglang may tatlong lalakeng humarang sa kanila. HOLDAP daw!!! Goodbye sa pambili ng alak. Goodbye sa brand new motorola. Siempre suspetsa ko na baka kusa nanaman niyang naibigay ang nielpon sa kung kaninong boylet. Pero yun na nga daw ang masama, nawalan na sya ng nielpon, d pa siya nakahada. Sana nga daw nagpakantot nalang siya sa mga holdaper, may napala pa siya. Eeeew.

Taong 2007 nakatatlong celfon pa siya. Year 2008, dalawa. Lahat yan naglahong parang bula.

Two weeks ago nawala ang celfon ni bakla. Kaya naman may I post siya ng bulletin sa friendster na huwag muna siyang itext. Last Friday may bago siyang bulletin, announcing na may bago na siyang nielpon at magpasabog na raw kami sa inbox ng bruha. Ganyan ka-spoiled ang chaka doll na yan. Kagabi or should I say kaninang madaling araw, tumawag ang bakla. Nawala daw ang bagong bagong celphon niya. Pano? Ayun nakitulog sa bahay ng isa sa mga boylet niyang nyodik. January palang nakadalawang telepono na ang potah. May 11 months pa.

This point, binabawi ko na ang mga nasabi ko regarding my friend being malas. Hindi totoo yun. Tanga siya! TANGA! (may bitterness yan dahil ako nagtitiyaga sa de-uling na ketai tapos siya winawala-wala lang ang mga brand new).

pero TANGA talaga!!!

Sunday, January 18, 2009

Coco, Derek and BBB delivers...

Last night I watched what I thought was a rather disturbing episode of MMK entitled 'BoardingHouse'. Siempre pa ang nag-iisang wonder boy ng local indie films na si Coco Martin ang gumanap sa papel na Billy na siyang letter sender. Effortless ang acting ng fotah. Beking beki. Nawindang lang ako na habang sinasalaysay ni Richard (Derek Ramsay) kay Billy ang kanyang nakaraan. Hindi lang pala simpleng panghahalay ang ginawa sa kanya ng tatay niya. May nakakadiring fetish pa pala ang hayop. Tipong ngunguya ng food tapos ipapasa sa anak, ipangunguya at saka ipapapasa ulit sa kanya. Nakakadiri. Anong klaseng ama yun? Wish ko lang, wala ng mga kagaya ni Richard out there, na dahil sa nga naranasang kalupitan mula sa sariling ama eh naghihiganti sa ibang tao. Make that ibang beki. Nobody deserves to be treated that way. Bonggang bonggang palakpakan para kay Madam Charo at kay papa Coco, and yes kay papa Derek. Yummy!!!

Pagkatapos ng NSTP namin, niyaya ko sina Maine at Honey sa Boni para manood ng volleyball game ni BBB. Dahil may 30minutes pa kami bago yung game, lunch muna kami sa Mcdo. Habang finifeel kong ako yung little girl sa mcdo commercial, dahil talagang dalawang stick pa ng fries ang dinidip ko sa ice cream ng coke float ko, biglang may tumawag sa pangalan ko. Siempre tinignan ko, si T pala. Dati kong katrabaho sa Telus. Pinakilala ako sa gf niya, ‘si Yj, dati kong officemate. Nainlab, tapos ayan nagresign,’ sabay tawa ang gago. Naalala ko tuloy, yung libro kong Angels and Demons na nakay D(yung lalakeng tinutukoy ni T na kinainlaban ko), hindi pa binabalik ng gago. Sheet kailangan kong makuha yun, first illustrated edition yun. Yeiz, hindi yung mga namagitan sa amin ni boylet ang naalala ko. Yung libro ko.

Pagdating namin sa gym, nagwawarm-up na yung mga teams. Twice to beat yung kalaban naming team, at sila rin ang tumalo sa amin sa championship last year. Bonggang bongga naman kasi ang mga beking players nila. All powerful. Pero hindi naman basta basta magpapatalo ang team namin. Kaya naman first two sets panalo kami. Hahahaha, umubra mga dasal namin ng baklang si Alfie na panay ang lait sa mga players ng kabilang team. Nawindang lang kami sa third set dahil umariba ang mga bayot sa kabila. Napikon yata sa amin ni Alfie. Natalo kami. Pero sa fourth set, ang galing ni BBB, panay ang tira, with the help of our Persian boy, at ng buong team, WIN!!!! Sana lang manalo parin kami next Sunday. Ganun kagaling ang mga lintik, twice to beat. Hmmmmmp…. Kaya ng baby BBB ko yan.

Dumiretso ako sa gateway pagkatapos ng game para i-meet ang friend kong si Chin. Kinuha ko lang ang mga dvd ko ng LOTR trilogy. Hinahagilap ko na lahat ang mga gamit kong nasa hiraman, at hinding hindi na ako magpapahiram. Kainis, may mga humihiram kasing hindi marunong magsoli. Nawawala hanggang ngayon ang mga dvd ko ng Troy, Spanish Apartment, at The Dreamers. Sa Japan ko pa naman lahat binili yun. Hmmmmp nakakainis talaga.

Pasukan nanaman bukas. Namimiss ko na si NJ. Hayz….

Saturday, January 17, 2009

Brad and Benjamin

Asia and I went to robplace yesterday to meet my friend Ace. We watched The Curious Case of Benjamin Button, my second movie for the year, Baler being the first. Napakagandang pelikula. Hanggang ngayon iniisip ko parin, pano kaya kung ganun nga ang buhay? Imbes na patanda eh pabata tayo ng pabata physically as time passes. Mas marami kayang love at comfort? O mas maraming pain? Pano natin ihahanda ang sarili sa kamatayan kung internally ay ulyanin ka na, at physically ay bata ka pa? Nakakaloka. As expected, ang galing ni Cate. Pero shit talaga, ang guapo ni Brad Pitt. Dahil nga sa flow ng kuwento, everytime na lalabas si Brad sa frame ng mas bata ang itsura, automatic ang mga ‘ooooh’ at ‘aaaaaah’ ng mga viewers. Pero nung lumabas si Brad na nasa early 20s ang look, d ko talaga napigilan ang sarili ko. Napa ‘SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET’ talaga ko sabay nginig sa sobrang kilig. Hahahaha ang baduy ko.

Nagtext si BBB, 12pm daw ang laro niya bukas ng volleyball against PWU. watch nalang ako after ng NSTP outreach program namin.

Yun lang.

Wednesday, January 14, 2009

Perslab...

Ilang araw na rin mula ng mapanood ko sa TV ang pinakamagandang commercial na nakita ko sa loob ng napakahabang panahon. Kung sino man ang mga nasa likod ng ad na yan, congratulations sa inyo. Instant sikat ang proyekto. Pinag-uusapan na sa bawat sulok ng Pilipinas, at sa bawat espasyo sa blogworld. Siempre pa napakalakas ng epekto ng ad. Nanjan kang makisimpatiya sa kinahantungan ng pag-ibig ni boylet sa kanyang perslab. Nanjan kang mainis sa kaharutan ng bilat (although feeling ko iisipin mo lang na maharot siya dahil sa inis, dahil iisipin mong kung ikaw siya, hindi mo pakakawalan si boylet na uber cute). Nanjan kang mapaiyak sa pagtatapos ng maikling kuwento ng pag-ibig na ito, na lalong naging powerful dahil sa kantang ginamit sa background. Pero pinakamalaking epekto na ang panandalian mong pag-alala sa taong yun, na unang-unang nagpatibok ng puso mo. Siya na unang-unang nagbigay kulay sa iyong mundo. Siya na unang-unang naging dahilan ng iyong pagpupuyat. At siya na unang-unang naging dahilan ng iyong pag-iyak.

First year highschool ako nun, nagenrol ako sa pinakamalapit na catholic school sa bayan namin. Magkaklase kami sa cream section. Hindi siya ang tipo ng lalake na magugustuhan ko agad. Kaya walang love at first sight na eksena. Ang itim kasi, pero guapo. Negro nga ang palayaw sa kanya ng mga dati na niyang kaklase. Yun siya, guapong negro. Nagtapos siya ng elementarya na una sa klase. Matalino ang kumag, kaya naman laging bida sa klase. Pero hindi yung tipong nerdy-nerdy. Palabiro kasi at maporma. At dahil dito, marami sa mga girls ang agad nagka-crush sa kanya. Matalino naman ako, pero talagang lagi siyang mas matalino sa akin, katibayan jan ang resulta ng maya’t mayang pagsusulit. Naging magkaibigan kami agad. Dahil mabait siya at dahil malandi ako. Lahat naman kaibigan ko. Dahil nga sobrang active kami pareho sa school at halos pareho ang mga organisayon kung saan kami kabilang, naging close agad kami. Marami agad akong nalaman tungkol sa kanya. Galing sa isang buo, masaya at konserbatibong pamilya. Yung tipong walang pumapalyang pag-attend ng misa tuwing Linggo at pagkatapos ay kakain sa labas o mamasyal. Siya yung larawan ng masunurin at ulirang anak. Kaya naman malaki ang respeto ko sa kanya. Dahil nga natural na sa kanya ang pagiging makulit, hindi ako nakatakas sa mga kakulitan niya. Minsan bigla nalang akong babanatan ng ‘mukha kang puyat, inisip mo nanaman ako magdamag noh?’, na sasagutin ko lang naman ng simpleng ‘TSE!’. Nakakainis pa na kapag tumitig siya, malagkit, mapang-akit. Kasi nga maganda ang mga mata niya, matang pusa. Bilugan, pero medyo singkit sa sides, tapos malalim. Alam mo yung mata ni ate Reg? Ganun. Kaya naman pagdaan ng mga araw, unti-unti ng nahulog ang loob ko sa kanya. Pero siempre hindi ako nagpahalata. Feelingero kasi. Kaya naman ayokong dagdagan lalo ang ere niya. Never akong umamin kahit sa mga closest gay at girlfriends ko na may gusto ako sa kanya. Mega press release pa ako na crush ko si ganito, si ganyan, para lang masabi na wala nga akong gusto kay PL. Pero the more na sinisikil lalong nagpupumiglas and feeling. Siya ang naging laman ng mga baklang-baklang pangarap ko bawat gabi. Sa sobrang kampante namin sa isa’t isa, ang dami rin naming naging moment, well para sa akin moment na yun.

Second year kami ng magkaroon ng fundraising, nakalimutan ko na kung para saan. December yun kaya naisip ng section namin na mangaroling. Dahil nga mula pa kami sa ibang bayan, kinailangan naming mag-sleep over sa bahay ng friend. Magkatabi kaming natulog sa futon na nilatag sa sahig ng kuwarto ni J. Mahilig matulog si J ng nakatodo ang aircon. Dahil iisa ang kumot namin, nagsiksikan kami ni PL sa ilalim nito. Siempre pa lahat na ng santo natawag ko para lang bigyan ako ng lakas ng loob na pigilan ang sarili ko sa kung ano man ang pwede kong gawin sa kanya. Nagising akong nakatalikod sa kanya, pero siya, yakap-yakap ang bewang ko. Ginising ko siya para lang ipakita na siya ang nakayakap sa akin. Mula noon, lagi ko na siyang binibiro na siya pala ang may pagnanasa sa akin. Bagay na tinatawanan lang naman niya.

Third year, camping. May sarili akong tent, meron din siya. Pero giniit niya na tent nalang niya ang gamitin naming dalawa. Ayaw daw niyang iba ang makishare sa kanya. Isang malaking YEIZ! Pero dinala ko parin ang tent ko, para may magamit kami ng mga sisteret kong badichi for booking purposes. Etong mga panahon na ito, sobra-sobra na akong inlove kay PL. Pero dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, wala akong ginawa. Tabi kaming matutulog sa tent niya, pero maliban sa paglalambing niyang pagyakap sa akin, wala na akong nakitang ibang senyales na pwede kong isiping nagpapakita siya ng motibo. Sa tagal naming magkaibigan, natural na sa amin ang ganitong lambingan. Kaya naman todo behave ako. Nang maghiking, kami ang magkasabay. Dahil nga nuknukan ako ng arte, maya’t maya ang pagkatisod at pagkadapa ko. Pero lagi siyang nandun para pagtawanan ako, pero pagkatapos ay aalalayan din naman ako sa pagtayo. Sweet noh? Everynight, fly kami ng mga friendships ko sa campsite ng ibang school para maghanap ng booking, at tent ko ang ginawang motmot. Siempre pa mega imagine ko na sana si PL ang boylet na kaulayaw ko, na sana siya ang kahalikan ko, na siya ang sinasamba ko ng todo-todo on bended knees. Pagkatapos ay babalik ako sa tent niya para matulog. At makakaramdam ako ng guilt, dahil pakiramdam ko niloko ko siya. Nakakaloka….

Grumaduate kami ng highschool ng hindi siya nagkakaroon ng girlfriend. Subsob kasi sa pag-aaral. Siempre pa iniyakan ko yung thought na magkakalayo na kami. Pero pagdating ng college, magkapitbahay lang naman pala ang mga unibersidad na papasukan namin. Nasa Mendiola ako at nasa Recto siya. Kaya naman panay parin ang tambay namin tuwing may pagkakataon. By first year second sem, magkakasama na kami sa isang 2-bedroom apartment. Yung dalawang bilat sa smaller room. Kami ni PL kasama si R sa bigger room.

Second year. Isang weekend yun na umuwi yung tatlo sa probinsiya. Naiwan kami ni PL. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Dahil walang nagluto, nagdinner nalang kami sa jollibee Dapitan, sa likod ba ng uste. Alas nuwebe palang nakahiga na siya sa kama. Wala daw siya sa mood manood ng TV, kuwentuhan nalang daw kami. Nagtatampo daw siya. Madalang na daw kasi akong magkuwento sa kanya, hindi na gaya ng dati. Pero sa mga freindship naming girls, panay daw ang bangka ko. Nieta, puro kalandian ang kinukuwento ko sa mga bilat eh. Gusto ba niyang marinig ang mga kabalahuraan ko?

‘Bakit hindi?’ sabi nya. Nagulat ako siempre. Pero napaisip na ako. Heto siya, mag-i-eighteen na at virgin pa rin. Taglibog ang gagoh. CHANCE! CHANCE!
So umupo ako sa may paanan niya at mega kuwento ako. Lahat yata ng mga sexcapades ko mula ng dumating ako sa Manila naikwento ko na. Seryoso lang naman siyang nakikinig. Paminsan-minsang bubungisngis pag may medyo nakakatawa. Pero pagkatapos ng lahat,

‘Hindi ko parin ma-imagine kung pano niyo ginagawa,’ yun lang ang nasabi niya.

‘Gusto mo ng demo?’ biro ko.

‘Uhmmmmmmmmm sige…’ Nagulat ako sa sagot niya. Tiningnan ko ang mukha niya. Sheeeet seryoso siya. Kinabahan ako bigla. Tangna taranta akong bigla. Sanay na sanay na ako sa ganito pero bakit parang first time kong gagawin. Sa bawat minutong tulala ako dahil kaiisip sa kanya. Sa bawat gabing puyat ako dahil sa mga pangangarap na kasama ko siya. Heto na. Matatapos na aking paghihintay. Get a grip, bulong ko sa sarili. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya pero halatang kinakabahan. Tumayo ako para patayin ang ilaw. Tumabi ako sa kanya.

‘Yj, promise mo na walang makakaalam please,’ pagsusumamo niya.

‘Promise.’

At nagkaroon na ng katuparan ang mga pangarap ko. Isang gabi ng langit. Hindi na muling naulit yun. Hindi na rin napag-usapan. Hindi rin naging kami. Pero sapat na sa akin na kahit sa ganoong paraan lang, naipakita ko kung gaano ko siya kamahal. Alam ko naman kasi na nung gabing yun, gusto lang talaga niyang maranasan yun. Wala ng iba. Kaya hindi ko parin nasabi sa kanya kung ano yung tunay kong nararamdaman. Natakot ako na baka masira ng isasagot niya yung moment.

Last month, nagsend sa akin si PL ng e-invitation sa kasal niya sa Australia. Siempre pa kinongrats ko naman. Three days ago, magkachat kami ng friend kong si M. Photosharing kami, pinakita niya sakin yung mga pics sa kasal ni PL. Ang ganda ng asawa niya. Masaya ako para sa kanila. Sana maging masaya si PL. Sana…
Gayunpaman, malalaki ang pasasalamat ko. Dahil hindi man naging kami sa huli, siya parin ang first love ko. At AKO ANG FIRST TIME NIYA!!! bwah...

Tuesday, January 13, 2009

Pahabol



Ikukuwento ko sana ang nangyari kina V pero nagbago na isip ko. Gusto ko nalang ibaon sa limot kung ano man ang nangyari sa inuman na iyon na nagsimula ng a-uno ng gabi at natapos ng a-tres ng umaga. Imagine? Basta hinding-hindi na ako uulit. Hinding-hindi na.

Pagkagaling ko kina Shrek, salampak agad ako sa kama dahil sa sobrang pagod. May nagtext, si DD, ‘Hon paputok tayo bukas.’ Kailangan ko na ngang matulog, kailangan ko ng lakas.

******

Ang mali kasi sa relasyon namin ni DD, ay nauna ang sex, ni hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na tanungin kung ano ang tunay na pangalan ng bawat isa. Nagkapalitan ng number sa G4M, tapos nagkita kami sa isang convenience store somewhere in Taft, tuloy kami sa apartment niya. Pagkasara ng pinto, nagliparan na ang mga hinubad na damit. Hook-up lang naman talaga. Nakakatawa pa, sobrang hot niya. Literal. Bata pa kasi, sabi niya twenty daw siya. Pero mukhang mas bata siya sa twenty. Hindi ko talaga tipo ang mga lalakeng mas bata sakin. Pero dahil sobrang haba na ng recovery period ko mula ng makipagbreak si Pierre, pumayag akong makipag SEB. Bumaba agad siya sa akin. Mapusok ang gago. Nasa kalagitnaan na kami ng biglang umurong kargada ko. Sheeeeeet…. Tangina. Eto ba epekto ng sobrang tagal na walang sex? Panic ako. Hindi pa nangyayari ito. Anong gagawin ko?

‘Ok lang yan’ ngiti niya sabay hawak sa ari ko at nilaro ulit. Fotah, kinse minutos na, wala paring nangyayari. Sumimangot na siya.

‘May mali ba sa akin?’ inis na tanong niya. ‘Wala,’ sagot ko. Sa sobrang hiya ko, tumayo na ako at nagbihis.

‘Sorry,’ sabi ko sabay labas ng kuwarto. Hindi ko maimagine kung anong inis niyang naiwan sa kama ng bitin na bitin.

Nasa taxi ako. Tawag agad ako sa kaibigan ko. Kahit alas-singko ng umaga. Pinaring ko ng pinaring ang cellphone hanggang sinagot niya. Kinuwento ang nangyari. Gusto kong malaman kung nangyari na sa kanya yun.

‘Pare, tumatanda ka na,’ sabay tawa. Walang kuwentang kausap. Binabaan ko nalang. Natulog akong sobrang balisa.

Hindi ko narin naman inaasahan na magtetext pa siya, pero nagulat ako na paggising ko, may text siya sakin. Nagyayaya siyang kumain sa labas by weekend. Nung una, ayoko. Paranoid ako bigla, pano kung pagdating ko dun, may mga kasama siyang kaibigan at gusto lang niyang makita ako ng mga friends niya para may mukha ang pinagtatawanan nila? Pero mukha naman siyang sobrang inosente para gawin yun. Nagkita kami sa Greenbelt that Saturday. Lunch time, dahil may lakad ako ng gabing yun. He actually wanted us to try again. Nagkita kami the following day, we decided na sa place ko naman. May dala siyang bag dahil uuwi siya ng Bulacan afterwards. Nakaleave daw siya ng isang linggo. This time, nagdahan-dahan na kami. Walang pagmamadali. Kailangan kong patunayan na kaya ko siyang i-satisfy. At nagawa ko naman. It was actually so good, nakadalawa pa kami bago sumikat ang araw. Hindi na siya umuwi ng Bulacan. Sa bahay lang kami, manonood ng DVD, magbrowse ng net, papasok sa kuwarto at magsi-sex. On the third day na magkasama kami, birthday ko. Instead of going out, pumunta nalang kami sa Centerpoint at nag-grocery ng pwede naming lutuin. Simpleng dinner lang. More talk, more sex, more fun. Umabot kami ng limang araw, at bago ko siya ihatid sa sakayan, kami na.

Yung sumunod na pagkikita namin, naglunch lang ulit kami sa Greenbelt. Napansin ko na masyado siyang malambing. Panay ang hawak niya sa kamay ko in public. Bagay na ayoko dahil hindi mo naman maiiwasan na may magtataas ng kilay pag nakakita ng ganitong tanawin. Okay lang kung nasa Malate kami, kaso nasa mall eh. 1st weekend yun ng movie na Stardust kaya naman full pack ang sinehan. Ako ang tipo ng tao na pag pumasok sa sinehan, eh siguradong hindi mo na makakausap. Para ano pang manonood ka kung hindi mo rin lang tututukan ang bawat eksena? Kaso panay ang akbay niya, at siksik niya ng ulo niya sa dibdib ko. Bagay na ikinairita ko. Lumabas kami ng sinehan na parang mga batang nag-aaway. Nagpapaliwanag ako pero hindi niya ako pinapansin habang ang bilis-bilis niyang maglakad. Wala akong pasensiya sa ganitong eksena kaya naman pinabayaan ko nalang siya. Nagsorry nalang ako sa kanya sa text. Nakailang text ako bago matulog pero hindi na siya nagreply. Umabot pa ng isang linggo bago siya nagtext. Nangungumusta. Yung sumunod na pagkikita namin, na-establish na, hanggang dun nalang yung relasyon namin. Laro. Friends with benefits nga daw. By march, naging busy na ako, ganun din siya. May nangyaring aksidente pa. Kaya naman hindi na ulit kami nagkita pero patuloy ang communication namin sa text.

***
January 4. Nagtext nga siya kahapon, pahabol daw kami sa putukan kaya nagkita ulit kami sa convenience store. Mas guapo siya ngayon. Mas fresh. Mukhang mas maganda ang kumpanyang nalipatan niya. Panay kasi dati ang reklamo niya sa trabaho, actually sa mga kasamahan sa trabaho. Dumiretso kami sa bahay niya. Walang usap-usap. Purong laro lang. Malambing parin siya. Panay parin ang yapos at halik niya sa akin kahit naka-dalawang round na kami. Bagay na naeenjoy ko in private. Wala pa daw siyang boyfriend. Ako rin naman, wala. Lalo siyang sumiksik sakin. Pero ayoko naman talagang magkaroon pa. Sinabi ko kay DD na nasa kanya naman yun. Basta ako, ok pa sa set-up na ganito. Ok pa din lang daw sa kanya. Hinalikan ko siya bago kami lumabas ng bahay patungo sa sakayan.

Monday, January 12, 2009

Yj and Yj

January 1 ang kapistahan kina Shrek. Taray d vah, isang handaan nalang sabay ng bagong taon. Dahil pula ang suot ni Shrek, nagbihis din ako ng pula. Hindi kasi ako nakapagsuot kagabi ng ano man sa mga lucky colors na green, yellow at red. Kaya habang a-uno pa, mabuti ng humabol. Nanood kami ng karakol dahil sumali sa parada ang mga friendships naming beki. Si R, ang ganda, naging kamukha ni Paris Hilton sa make-up niya, para siyang sarimanok sa suot niyang magarbo at makulay na gown. Yung ibang friendship namin, sad to say, walang naitulong ang make-up para gumanda sana sila. Bagkus lalong na-enhance ang mga peslak nilang pang Regal Shocker. Nagmukha silang manika pero manika ng mangkukulam. Nagpasya kaming puntahan si Yj, opo, kapangalan ko siya. Nakilala ko si Yj dahil kay Shrek, nine years ago. Magkababata sila. Siempre pa kahit sinong badichi, magkaka-crush agad kay Yj dahil kamukha niya si papa Piols. Pero ng makilala ko ang bestfriend ni Yj na si J later that day, hindi ko inexpect na siya ang magiging dahilan ng pagtira ko kina Shrek ng isang taon. Nainlab ako ng todo. Pero wala rin namang nangyari dahil relihiyoso ang gago at talaga namang hindi nabali ng ganda ko ang pananampalataya niya sa kung sino man ang sinasamba niya. Pero sa loob ng isang taon na yun, naging mabuti kaming magkaibigan ni Yj.




________________


Pangalawang taon ko yata sa Japan noon ng tumawag sa akin si Yj, nasa Tokyo daw siya. nakakontrata siya bilang talento for 3 months. Dahil sobrang busy ko sa work, tinapat ko na siya na baka hindi ko siya madalaw kahit gustuhin ko pa. Suwerte naman na may kasamahan siya sa club na dadalaw ng Nagoya the follwing week, kaya sumabay siya para magkita kami. Isang umaga yun ng January, pinakamalamig na panahon sa Japan. Dinatnan ko si Yj sa harap ng Nike Park na nanginginig na sa lamig, dahil isang manipis na jacket lang ang nakapatong sa kanyang t-shirt. Hindi daw kasi niya inexpect na ganun kalamig ang klimang daratnan niya, tsaka wala rin naman talaga siyang makakapal na jacket dahil wala nga namang winter sa Pinas. Buti nalang may makapal akong jacket sa ilalim ng trench coat na suot ko, binigay ko nalang. Dahil wala pang masyadong bukas na pasyalan gaya ng Parco at Matsuzakaya, nagbreakfast nalang kami sa Dennis. Binigay ko narin ang welcome gift ko sa kanya na keychain lang pero Cartier. Hehehehe. Natuwa ang gago. Biniro ko pa nga na kung nagkataon na sa Nagoya siya napunta, magnanumber one siya sa club. Kung kinakailangang ipag-uriage ko siya ng sampung lapad gabi-gabi gagawin ko. Hahahaha. Tinawagan ko pa agad si Shrek noon para magood-time namin, sabi ko ipapakilala ko sa bagong jowa ko. Siempre pa nagpanggap si Yj na ibang guy. Pero nakahalata rin si Shrek dahil nabosesan si Yj. Ang saya-saya ko dahil ang dami niyang kuwento tungkol sa mga kaibigan namin. Binibiro pa niya ako na miss na daw ako ni J., tinawanan ko lang.

‘Sana sayo nalang ako nainlab. Kahit siguro binasted mo ako, at least worth it,’ ganting biro ko.

‘Bakit nga ba hindi ka sa akin nainlab?’ sumeryoso bigla mukha niya. Hindi ko alam isasagot ko.

‘TARANTADO!!!!’ yun ang lumabas sa bibig ko eh. Sinimulan nanaman niyang magtrip.

‘Joke lang,’ sabay bungisngis nanaman siya ng tawa.

Nakakalungkot mang isipin, kinailangan ko agad siyang ipasundo sa kasama niya dahil papasok pa ako sa work. Bago kami naghiwalay, nasabi niya sa akin na naho-homesick na daw siya. Naalala ko na malapit talaga sa isa’t-isa ang pamilya nila. Lalo na siya na sobrang mahal na mahal dahil unico hijo. Kaya naman sa loob ng tatlong buwan iisa naging routine namin. Itetext niya ako pag wala siyang magawa at tatawagan ko naman siya. Minsan umaabot ng oras ang usapan namin, lalo kaming napalapit sa isa’t isa, lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Kahit pa patayan ang naging kapalit sa tuwing darating ang cellphone bill ko, deadz.




____________________


Yung sumunod na biyahe ni Yj ay anim na buwan na ang nakuha niyang kontrata, at sa Gifu City pa. 40-minute drive lang from Nagoya. Kaya naman dali-dali ko siyang pinuntahan. Pinagmaneho ako ni bestfriend Ana, na walang jowa ng mga panahon na iyon. Kaya naman pinakilala ko sila sa isa’t isa pero somehow, naintimidate ang Yj sa bestfriend ko. Naunahan ng hiya at takot ang gago, ayun hindi nagawang ligawan. Kahit panay ang sabi niya sa akin na gustong-gusto niya si Ana. Pero masaya na rin ako na hanggang ngayon, good friends sila. Dahil pumatak ang birthday ni Yj sa panahon na nasa Japan siya, pinapunta namin siya sa Nagoya at nagcelebrate kami sa Hard Rock. I invited some of our friends para madami, mas masaya. Ginawa naming parang bata si Yj with all the baloons and cakes. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na kahit malayo siya sa pamilya niya, nandun naman ako para alagaan siya. Dahil may pasok siya sa club nang pasko at new year, kami ni Ana ang dumalaw sa kanya sa Gifu. Deadma na kahit bumabagyo ng yelo, go kung go. At siempre pa lahat ng ito ginawa namin ni Ana ng lingid sa kaalaman ng jowa kong si Pierre. Bago natapos ang kontrata niya, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapasyal sa Nabana No Sato, botanical garden na ekta-ektarya ang laki. Kinukumusta niya lagay namin ni Pierre.

‘Okay lang,’ sagot ko.

‘Sinungaling. Bakit sabi ni Ana, may mga kalokohan daw na ginagawa yung gagong yun,’ banat niya. Touch naman ako dahil sa tono ng boses niya eh concern na concern ang loko. ‘Gusto mo bugbugin ko?’ dagdag pa niya.

‘Hahaha. Buwang, malaki pa katawan nun sayo. Tsaka heler, hosto yung tao, what do you expect? Nasa akin naman yun kung magpapadala ako sa selos noh. Eh sa akin naman umuuwi kaya ok lang. Madalas yung away, pero wala namang pisikalan, kaya ok lang,’ paninigurado ko sa kanya.

‘Ikaw kasi, nandito naman ako, kung sino-sino pa pinapatulan mo,’ simula niya. Alam kong nagtitrip nanaman toh.

‘Eh, tigilan mo nga ako,’ pasweet ko.

‘Hindi kita lolokohin. Promise,’ sabay angat ng kanang kamay.

‘Gutom lang yan. Kain nalang tayo,’ yaya ko sa kanya.

‘Hahahahaha…’ sabay yakap sa akin ng mahigpit. Sira-ulo talaga.

Hindi ko alam kung ano ang mga kinuwento niya sa mga friends namin pag-uwi niya. Dahil yung sumunod na tawag ko kay Shrek, pinapaamin ako ni bakla kung may nangyari ba sa amin ni Yj habang nasa Gifu siya. Siempre sabi ko wala. Pero hindi naniwala ang bakla. Bahala nga siya.


__________________


Back to present. Dalawang taon yata kaming hindi nagkita ni Yj. Pagpasok namin sa gate nila, nakita ko agad siya sa labas ng pintuan, nilalaro ang pamangkin niya. Walang nagbago, guapo pa rin, yun lang, lalo yatang gumanda ang katawan niya. Nakasando pa ang loko, kaya lalong nagmukhang hot. Abot tenga ang ngiti ng gago pagkakita sa akin. Binigay niya yung bata sa bayaw niya at yumakap ng mahigpit sa akin, niyaya niya kami ni Shrek sa loob ng bahay. Tama namang walang tao dahil sa kabilang bahay sila nagentertain ng bisita. Nag-alok siya ng pagkain pero busog pa kami. Kaya nagkuwentuhan nalang kami. Umupo kami sa sofa, akbay ako ni Yj sa balikat at pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa bewang niya sabay dantay ng ulo ko sa dibdib niya.

‘Ano ba yan! Nakakadiri kayo!’ pang-aasar ni Shrek. Pero alam kong may halong inggit, dahil matagal na niyang crush si Yj. Natawa nalang kami sa reaksiyon niya.

Matagal kaming nagkuwentuhan. Masaya daw siya na bumalik ako sa school. Masaya daw siya sa girlfriend niya, na kilala ko rin pala. Natuwa naman ako. Nahihirapan daw siyang bumiyahe dahil nagkahigpitan na daw sa mga talento. Biniro pa niya ako na bumalik na ako sa Japan at pakasalan ko nalang siya. Natawa lang ako. Nang lumabas si Shrek dahil yosing-yosi na may naalala ako.

‘Tinanong mo ako noon kung bakit hindi ako sayo nainlove. Alam ko na.’
Napangiti siya, ‘bakit?’

‘Eh kasi, una palang alam ko na na magiging good friends tayo. Kaya first sign palang na pwede akong magkagusto sayo, binabalewala ko na. Natakot ako na baka pangit kahinatnan eh,’ sabi ko. Sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya. Pero nakaakbay parin siya sa akin.

‘Duwag,’ natatawa niyang sabi.

‘Pano nga kaya kung bumigay ako sa mga pambobola mo noon?’ tanong ko.

‘Hindi pambobola yun noh. Ano yun, pati ikaw isu-shobai ko? Tsaka kung naging tayo noon, sigurado naging masaya ka sa akin,’ kinabig niya ako para lalong mapalapit sa kanya. Napangiti nalang ako.

‘Ang suwerte ni M (gf niya) sayo,’ sabi ko.

‘Masuwerete ako sa kanya,’ paninigurado niya.

Pumasok si Shrek, halatang bagot na. Daot talaga ang potah. Masama pa namang magalit ito at lumalabas ang apoy sa mga ilong neng. Tumayo na ako at nagpaalam, pupunta na kami kina V, magpapainom daw kasi ang bakla. Niyakap ako ni Yj ng mahigpit, ‘pasyal ka lang dito pag may oras ka.’

At dumiretso na kami kina V, kung saan naganap ang isa nanaman sa masasabi kong first time na mararanasan ko.

*The first pic is of Yj playing snow, wearing the jacket I gave him on his first visit to Nagoya.
*I took the second pic in Nagoya, spring of 2004.

Friday, January 9, 2009

HAPPY NEW YEAR..... December 31- January 01



Alas nuwebe na yata ako nakarating sa Tenement kung saan ako nagcountdown. Kasi naman, uuwi na sa Roxas City sina Rose bukas. Gusto ko rin siempre silang makasama pa kahit sandali lang. Sina mommy, Rose, Ramil, Rodel, Winnie, Limar at Nate lang ang inabutan ko. Wala si Bob, nasa San Pedro daw. Subukan daw niyang ayusin ang sigalot sa pagitan nilang mag-ama. Mabuti naman. Wala din ang asawa at mga anak ni Winnie, maliban sa bunsong si Nate, nasa Subic daw.Siempre pa unlimitted ang usapan sa buhay-buhay habang nagdi-dinner. Sarap ng nilutong kaldereta ni mommy. The best talaga siyang magluto. Watch kami ng tv pagkakain. Panay naman ang laro nina Limar at Nate habang hinihintay ang alas-dose. Malabo ang channel 2, kainis, kaya pinagtiyagaan ko nalang ang countdown special ng channel 7. Impernez, nagustuhan ko ang fireworks display nila. Winner talaga. Nang magka-countdown na, binigay na ni Ramil kay Limar ang mga lusis na kanina pa niya gustong sindihan. Si Nate nakatulog na sa paghihintay. Panay naman ang alog namin ng mga tig-lilima at sampung pisong barya sa mga palad. Pamapasuwerte ba. Nang mag alasdose uno, pinagulong na ni Rose ang mga bilog na prutas sa sahig, hindi ko alam kung para sa saan, pero malamang pampaswerte rin. Walang humpay ang dating ng mga text messages sa cellphone. Maya’t maya ang mga tawag. Ang lakas ng mga paputok sa labas, balot na ng usok ang buong Manila. Nakakaloka. Sabay-sabay kaming nag media noche. Gusto ko mang magtagal pa, nakapangako rin ako kay Vanz na pupunta ako sa kanila. Kaya pagpatak ng ala-una hinatid na ako nina Rodel at Ramil sa sakayan, suwerte ko namang may napadaan agad na taxi.

Sinuyod ko ang mga nadaanan kong convenience store sa C-5 para makabili ng beer at yelo. Takti nagkaubusan na yata. Buti nalang may nabili na ako sa huling gas station na nadaanan ko. pagbaba ko kina Vanz, nasa labas ang mga kapatid niyang sina AJ at Adrian, nakikipaglaro ng taguan sa mga katropa nila na kainuman ko nung nakaraang bagong taon. Natuwa ako sa ginagawa nila. Mga binata na pero enjoy parin sa mga simpleng laro na mga bata nalang ngayon ang gumagawa. Nakita ako ni Sak, binati niya ako, inuman daw kami later. Oo naman ako. Naalala ko tuloy si F, yung kaibigan nilang super cute na kausap ko the whole time na nagiinuman kami last new year. Sana dumating siya.

Inabutan ko sina Vanz, Josh at John sa kusina. Wala ang Gray. Nagtatampo daw dahil iniwanan namin siyang tulog nung pasko. Naloka ako. Pero for sure inarte lang niya yun at baka bangag na kaya hindi na makapunta. Sinimulan agad naming inumin ang mga dala kong strong ice. More chika kami. Tinanong ni Vanz sa katulong na si Jelyn kung pwede na yung pinapakuluang bulalo sa labas. Hindi pa daw. Naloka ang Vanz dahil alas-nuwebe pa daw nakasalang yun at magaalas dos na bakit hindi pa lumalambot? Pumuwesto nalang kami sa labas. Nakakaloka, wala na palang baga ang uling, pano maluluto ang bulalo. Naghubad ng shirt si Josh, nagdagdag ng uling at mano-mano ang pagpaypay na ginawa. More paypay more fun ang drama niya. More pictorials naman kami nina Vanz at John. Si Tristan alas-singko pa daw ang out. Isang oras ang lumipas, matigas parin. Kumuha ng mga tinidor si John, nilagay sa kaserola, para daw mas mabilis maluto ang bulalo, mukhang epektib, isang oras lang lumambot na. Lagay ng repolyo, isang minuto pa, sa wakas. Kung may tiyaga, may nilaga…. Trulili itey. May pinatunguhan ang pagpapagod ni Josh sa pagpaypay sa apoy, deserving ang bulalo. Ang sarap sarap. Talaga namang ang lambot-labot. Ultimo litid, melts in your mouth. Deadma na sa cardiac arrest, minsan lang naman. Alas-singko na ng magpasya kaming umuwi, hindi na namin nahintay si Trista. Pupunta pa kasi ako kina Shrek ng lunchtime dahil fiesta sa kanila. Kailangan ko rin ng pahinga. Paglabas namin nina John at Josh sa gate, sandun sina Aj, Sak at mga kapatid nitong boylets, nag-iinuman.

‘Bakit uuwi na kayo?’ tanong ni Sak, ‘inom muna tayo.’

‘May mga pasok pa eh,’ sagot ni John, ‘next time.’

May lumabas sa gate nina Sak, nakasumbrero ng hat ni santa claus. Pakshet si F. Nakangisi, ang guwapo guwapo.

‘Yj, happy new year. Musta cellphone mo?’ pang-aasar niya. Nalaglag kasi yung cellphone ko last new year sa ice box habang nagkukulitan kami ni F sa pagkuha ng picture. Imbes na hanguin ko agad, natuwa ako na lumalangoy yung telepono kasama ang mga bote ng sanmig light kaya naghanap pa ako ng camera para kunan ng litrato. Ayun sira ang cellphone. Natuwa ako na naalala niya, pero tangina, mas natuwa ako na naalala niya pati pangalan ko. Last new year lang kami nagkakilala at isang taon kaming hindi nagkita, pero naalala niya. Sheeeeeeeeeeeet.

‘Inom pa tayo,’ anyaya ni F. Tangina, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas loob para tumanggi, pero pag umoo ako, alam kong hindi na ako makakapunta kina Shrek. Sheeeeeeeeeeeet.

‘Sige next time. Happy new year nalang,’ sabi ko sabay ngiti ng pinakamatamis na ngiting aso.
artwork from joe phillips

Goodbye 2008..... December 31



Paano ba magpaalam sa isang taon na naging mabuti sayo? Sa sobrang dilim ng taong 2007, at sa walang kasiguruhang dala ng 2009, parang ayoko ng matapos ang 2008. pero may magagawa ba ako? Sa sobrang pangit ng lagay ng ekonomiyang pandaigdigan, mukhang magiging mabigat ang taon na ito. Pero iniisip ko nalang may labingdalawang buwan ang isang taon at nagsisimula palang ang 2009. Marami pang pwedeng mangyari. Mananalangin nalang na sana sa kabila ng krisis, ay magising na ang mga tao na dapat ay magkaisa na para madaling labanan ang mga panibagong pagsubok na darating. Hindi man naging bonggang bongga ang 2008 para sa akin, ito naman ang taon na nagkaroon na ako ng lakas ng loob para harapin ang mga dapat kong harapin, at ayusin na ang mga dapat kong ayusin. Yun palang, sapat na para maging masaya ako. Magbalik tanaw tayo….

Enero – nagsimula ang taon ng medyo malungkot dahil namatay ang pudra ng bestfriend kong si Ana. Umuwi si Ana mula Japan para sa libing. Sinamahan ko siya mula pagdating niya hanggang sa makabalik. Nagresign na rin ako sa Telus. Hindi pala ganun kahaba ang pasensiya ko sa mga irate customers. Kung magko-call center ulit ako, ayoko na ng outbound.

Pebrero – balentayms nanaman. Siempre pa kahit pano sinelebreyt namin ni DD ang aming 5th monthsary bilang fuckbuddies.

Marso – sa kalandian ko may nangyaring masama. Ayoko ng pag-usapan. Basta sobra akong natrauma, ngayon palang ako nagsisimulang makarecover.

Abril – umuwi ulit si Ana. Dalawang linggo kaming rumampa. Milagro, nakuha ni AGG ang number ko, kaya nagkita kami ulit pagkatapos ng pitong taon. Siya ang nag-iisang lalakeng minahal ko nung college. (Nakakaloka dahil college parin ako hanggang ngayon.)

Mayo – nag-enroll na ako ulit para matapos na ang University Studies ko. Optimistic ako na this time, wala ng magiging sagabal. Ito ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko sa nakaraang dalawang taon. Nag-start na ulit kaming magbonding ni AGG. Siempre mahal ko parin siya, pero hindi na sa ganung level. Friendships nalang.

Hunyo – pasukan na. enjoy na enjoy ako, although medyo asiwa lalo na at ako ang pinakamatanda sa klase. Pangsampung taon ko ba naman sa college eh.

Hulyo – nagstart na akong magkaroon ng mga kaibigan. Naging miyembro ng grupong TL. Nalaman ko na mayroon pa palang mas matanda sa akin sa klase, si Maine. Hahahaha… natuwa ako. Ito ang buwan na una kong nasilayan ang poging-pogi na si NJ. Pag naaalala ko ang pagkakataong ito, kinikilig parin ako. Girl?

Agosto – umuwi ang sisteret kong si Jen mula Japan para magbakasyon. Sinelebreyt namin ang 1st birthday ng pamangkin kong si Nika.

Setyembre – umuwi ang friendship kong si Thad mula Bahrain. Nagpayanig ang lola. Reunion ng mga Bombo Friends. Ito ang circle of friends ko noong unang pumasok ako sa kolehiyo. Bonggang bonggang okrayan ang naganap. Naospital si Shrek bago matapos ang buwan. Jinombag ng shupatembang ng x niya. Ayun nadiskaril ang panga. Gumastos ng kalahating milyon dahil sa Asian hospital naconfine. Nilagyan ng titanium ang panga niya, pero feeling ko ordinaryong bakal lang na galing sa junkshop. Niliha lang ng todo hanggag kuminang.

Oktubre – sembreak na. Walang masyadong eksena. Boring-boringan. DVD marathon ito. Sobrang namiss si NJ.

Nobyembre – hindi ako nakauwi ng Tarlac para sa undas. Kaya naman isang linggo akong tumira kay Rayven, natakot akong multuhin ng lolo ko. Walang humpay na rampa ang ginawa namin.

Disyembre – nagkaroon ng pagkakataon na makita ulit ang mga kaibigang matagal ng hindi nakikita. Nakakalungkot lang na sa lamay pa. Umuwi si Lawrence mula Doha, heartbroken nanaman kasi ang bakla. Sana lang nakatulong ang pag-uwi niya na maibsan ang lungkot na nadarama. Sinelebreyt namin ang 2nd birthday ng pamangkin kong si Ethan. Kinasal na ang isa sa mga Bombo girls na dapat matagal ng kinasal.

All in all, keri na. Marami akong gustong gawin ngayong bagong taon. Pero ano’t ano pa man, pinaka-top sa priorities ko ang magfocus sa studies. Paalam 2008. Welcome 2009……

Miss Gay Bangungot.... BI vs. BI-yot... December 30



December 30, huling gabi ng lamay para sa daddy ni GG. Attend kami ni Shrek siempre.

‘Mare, magsasawa ka sa mga bi mamaya. Ang dami, sila ang mga bet na bet mo d vah?’ tanong sa akin ni Shrek.

Hindi ako sumagot. Simple ang tanong niya pero may bahaging hindi ko maarok. Bi, straight acting gay, bet ko, minsan nga although madalang, kahit sa effem nagkakagusto ako. Masasabi kong ang pinakamalaking impluwensiya sa sexual orientation ko ngayon ay ang mga baklang parlorista sa munting bayan sa Tarlac kung saan ako lumaki. Noong bata ako, aliw na aliw ako na makita sila sa kanilang mga bonggang bonggang damit pambabae, ayos na ayos na buhok na animoy laging sasagala, at sa kanilang makukulay na kulurete sa mukha. Para silang mga anghel sa paningin ko. Sila ang pinakamagagandang nilalang na nasilayan ko sa murang buhay ko. Kaya naman pagkatapos ng klase, lagi kaming tatambay ng ibang friendship kong beki sa mga parlor. Hindi ako nagkainteres sa mga ginagawa nilang panggugupit at pag-aayos, kundi sa salita nila. Araw-araw, matiyaga nila akong tinuruan ng gay-lingo. Bago pa ako mag high school fluent na ang lola mez. Sila rin ang nagbigay ng daan para masaksihan ko ang makulay na mundo ng Miss Gay Pageants. Siempre pa kahit minsan hindi ako sumali, kahit anong pilit sa akin ng mga nanay-nanayan ko. Pero malaking bagay na naranasan kong maging assistant ng mga friends kong beterana sa mga patimpalak na ito. Madami akong natutunan, madami akong masasayang alaala mula sa mga panahong ito. Dahil dito, malaki ang respeto ko sa mga sisteret kong cross dressers.

Bata pa ako, malambot na talaga akong kumilos. Masuwerte lang talaga ako na kahit kaylan hindi naging issue ang pagkabakla ko sa pamilya. Palibhasa lumaki ako sa lolo at lola, kaya wa na spluk ang pudra at mudra, dahil wala nga naman sila para hubugin ako ng pisikal. Basta sabi lang ng pudra, basta magtapos daw ako ng pagaaral para mas madali kong maipaglaban ang lugar ko sa mundo.

Noong ako ay nasa kolehiyo, gustuhin man naming magpa-girl, bawal. Catholic university kasi ang pinasukan namin. May mga usap-usapan pa kami noon na lumipat sa FEU dahil yung ibang mga beki dun eh nakakapagpahaba ng buhok. Samantalang kami, manipis na make-up na lang, nakikipaghabulan pa kami sa mga guwardiya. Hanggang sa give up nalang kami at nag-behave nalang. Malalambot paring kumilos, pero unti-unti nang nawawala ang mga pagkahumaling namin sa mga make-up at mga dresses. Mga paminta na kumbaga, pero durog pa.

Nang ako ay mapadpad sa Japan para tumira with the parents, iba naman ang mundo ng mga beking nasaksihan ko. Madaling madistinguish ang mga beking pinoy dito. Dahil marami nga noon ang mga baklang talento. Pero sa mga hapon, iba ang eksena sa kanila. Kung pagirl ka, kailangan all the way na, as in operada taas-baba. Kung wit mo feel iyenz, straight acting ka na lang. Hindi ko naman talaga pinangarap ang magkaroon ng boobey at kepz noh, kaya naman nagdire-diretso na ang pagka straight acting ko, respeto na rin sa papa ko na araw-araw ko ng nakakasama. Pagbalik ko ng Manila, naloka ako. Lumobo ang papulasyon ng mga sisteret. At talaga namang labananan sa pagpapamin. Nagkalat talaga. Hindi naman tayo nanganganak, kung bakit padami tayo ng padami.

Walang kuwentang pasakalye lang yan. Eto talaga ang isyu. Sa Alabang marami akong friends na pagirl. Ngayon dalawa sa friendship kong ito na dating super gandara ay nagdecide nang mag straight acting. Mahaba-habang transformation din ang pinagdaanan ng dalawa. Mantakin mong noong araw eh talaga namang Via Veloso at Regine Tolentino look alike sila. Laging title sa mga pageant. Ngayon, bruskong brusko na at parehong bigotilyo. Eto namang mga friendship na pagirl parin, medyo naging bitter, dahil tumiwalag daw sila kapatiran. Kaya maya’t maya ang pangungutya ng mga bayot sa dalawa. Naging mga lason daw sila.

Pagdating namin sa lamay, makikita mong may dalawang dominanteng grupo sa loob. Nakapuwesto sila sa dalawang magkahiwalay na lamesa. Isang grupo ang mga pagirl, at isa naman para sa mga pamin. Umupo ako sa mga pagirl dahil mas ka-close ko sila. Nasa dose yata ang mga bayot. At sa kabila naman, sina J at E (dating Via at Regine) lang ang kilala ko, kasama nilang naglalaro ng tong-its at tumatagay ang iba nilang friends na pamin din, nasa isang dosena rin yata ang grupo nila.

Habang naglalaro kami ng tong-its, hindi maiwasan na nagbabatuhan ng pang-ookray ang bawat isa. May pinakilala si J na bagong dating, Kian daw ang pangalan at guwapo impernez. Banat naman ang pagirl na si R, ‘Kian Kian ka jan, eh dating Chinchin Gutierrez yan sa mga pageant,’ sabay halakhak ang potah. Napatawa narin tuloy ang ibang mga beki na nakakaalala sa dating itsura ni Kian. Hindi ko alam kung pano napunta sa akin ang pang-aasar ni R, na dapat daw ay nasa kabilang lamesa ako dahil BI daw ako. Dahil gusto ko ng malinawan ang mga pag-iisip ng mga bayot, tinanong ko si J.

‘J, pumapatol ka ba sa babae?’

‘Hindi no,’ sagot niya.

‘Sino jan ang pumapatol sa babae?’ tanong ko ulit. May dalawang nagtaas ng kamay.

‘R, ayan. Dalawa sa kanila ang BI, dahil they go both ways. Irespeto natin yun. Ngayon, si J at E and the rest, bakla parin kagaya mo at kagaya ko, dahil sa lalake lang sila pumapatol. Ang kaibahan lang namin sa inyo, hindi na kami nagpapagirl. Hindi dahil sa kung ano pa man, pero dahil gusto lang naming magtry ng new things. Nirerespeto namin ang gusto niyo, irespeto niyo rin ang gusto namin. Ganun kasimple.’

Nanahimik ang bakla. Tuloy ang tong-its at tagay. Maya-maya pa, nagyaya na si GG, ‘mag miss gay na kayo.’ Tayuan ang mga pagirl, handang handa sumalang. Diretso sila sa labas at inayos ang mga sarili sa kalsada. Tinanong ni GG kung sino sa mga pamin ang gustong sumali. Tumayo ang J at E, pati si Kian tumayo, bakit sila magpapatalo eh sila ang sanay na sanay dito. Tutal, katuwaan lang naman. Nakakaloka, dahil mas pro pa rumampa yung mga pamin sa mga effem. Gusto kong tumambling. Ending, si V na Pauleen Luna look alike ang nagtitle. Pagbalik namin sa loob, pinagdikit na ang dalawang lamesa. Wala naman talaga kasing dahilan para magkaroon ng linyang hahati sa pangkat. Wala…..

Thursday, January 8, 2009

Ang Sumpa.... December 26

Sampung taon na kaming magkaibigan. Nakilala ko siya noong unang pagkakataong pumasok ako sa kolehiyo. Madali siyang mahalin pero mahirap intindihin. Madali siyang mahalin dahil palakaibigan talaga siya. Siya rin ang payaso ng grupo sa sobrang galing niyang magpatawa. Kung kinarir niya ito, malamang mas sikat pa siya kay Allan K ngayon. Natural kasi sa kanya ang pagiging makulit at masayahin. May pagkakataon lang na sumosobra. Mahilig din siyang maghubad, lalo na sa harap ng kamera. Pero hindi naman sexy ang laging labas ng mga larawan, kundi takutan. Mataas lang talaga ang fighting spirit ni bakla. Kumbaga eh sadyang makapal ang mukha. Idagdag mo pa na sadyang nakakatuwa, nakakatawa ang mukha niya. Hinulma ng tadhana, pero pinaglaruan ng sumpa. Madalas namin siya noong biruin na baka kapatid niya si Allan K., dahil ampon nga lang siya. Pero noong lumabas ang kauna-unahang movie ng Shrek, ito na ang naging bansag sa kanya. Hindi ko alam kung talagang may katangahan lang itong si Shrek o pinanganak siyang may kaakibat na malas. Kaya siguro siya pinamigay. Marami akong kuwento tungkol kay Shrek pero ito ang gusto kong i-share dahil maliban sa kanyang taglay na kamalasan, eh may mas malala pa palang sumpa ang bakla. Isang sumpang hindi nakakatuwa.

December 26, sinundo ko si bakla sa Alabang. Magpapasama kasi ako sa kanya sa Putatan para kunin yung package na pinadala ni Mama sa kaibigan niyang umuwi. Pagkakuha ng package, dumiretso kami kina GG, friendhip naming tiboli na may kapatid na dalawang beki. Tarayful ng family d vah! Nastroke kasi ang pudra ni GG last Dec. 23. pagdating doon, kinausap agad ni Shrek si Pao, ang beking bunsong kapatid ni GG, para sa mga possible booking later. Wala talagang patawad ang Shrek, kahit coffee party, walang awat sa pagrampa. Nagkaroon naman kami ni GG ng pagkakataong mag-usap.

‘Hay naku mare, alam mo ba kung sinong sumpa ang huling bisita namin nung gabing mamatay si Daddy?’ tanong sa akin ni GG.

‘Sino?’

‘Eh di si Shrek. Ang walang hiya, ganyan na ganyan din ang ginawa kay Mommy 3 years ago. Bumisita dito, buong maghapon na pinatawa ng pinatawa si Mommy, by 10pm na-stroke na. Naulit lang nung 23, napadaan ang bakla dito at niyayaya akong uminom. Nakipag-usap lang kay daddy at nakipagbiruan, mga alas-diyes ng gabi, kaaalis lang ng bakla, na-stroke na si Daddy.’

Naloka ako sa kuwento. Ganun na ba kamalas ang bakla. Alam ko na walang hinanakit si GG kay Shrek, dahil mabuti silang magkaibigan. Tested na kumbaga ang kanilang friendship. At malawak ang pang-unawa ni GG, para sa kanya, co-incidence lang ang mga pangyayari. At bilib ako na nakuha pa niyang matawa sa sarili niyang kuwento. Pero iba ang naglalaro sa isip ko sa mga sandaling iyon. Back to Mendiola days namin ni Shrek. Sa pagdaan ng panahon nakalimutan ko na ang unang pagkakataon na naranasan at nakita ko ang lakas ng sumpa ni Shrek.
Kung hindi ako nagkakamali, 18th birthday ko yun. Huling araw ng finals ng first semester. Kumpulan kaming mga magkakaibigan sa harap ng San Beda church. Kasama ang mga Beda boys. Bago kami naghiwa-hiwalay, sinigurado ko ang bawat isa na pumunta sa isang bar sa Timog ng gabing yun, kung saan ko gaganapin ang birthday party ko. Umuwi ako para mag-prepare. Biglang tumawag ang Shrek, sunduin ko daw at ipagpaalam. Pinuntahan ko naman agad. Si Kakai ang tinawagan ko na umasikaso sa mga bisitang mauunang darating sa bar. Pagdating ko kina Shrek, bihis na siya, sinalubong niya ako sa labas ng bahay.

‘Huwag kang magsasalita, basta magpakita ka lang kay mommy. Ako na bahalang magpaalam,’ tanda ko pa ang binulong ni Shrek sa akin. Oo lang naman ako.

‘Mommy, aalis kamini Yj.’

‘Oh saan kayo pupunta?’ tanong ng mommy ni bakla.

‘Sa lamay po,’ walang kurap na sambit ng bakla sabay halik sa pisngi ng mudra niya. Gusto kong umapila. Birthday ko, ginawang lamay ng potah. Kung puwede ko lang sabunutan ang bakla, ginawa ko ng bonggang bongga. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun sa mommy niya. Kung nagtitrip siya, puwes hindi magandang biro yun. Unacceptable.

Pagdating namin sa bar, puro lukot ang mukhang sumalubong sa akin. Nag-sorry ako at nagpaliwanag na sinundo ko pa si Shrek kaya ako nalate. Pero napansin ko na ang baklang si Glenn ay naglulupasay sa iyak. Hindi pala asar ang nasa mukha ng mga friendships, kundi labis na lungkot. Tinanong ko si Kakai kung anong nangyayari.

‘Bakla, si Armaine, namatay kanina.’

Nanlaki mata ko. Pano nangyari yun? Iniwan ko siya sa tambayan sa Beda ilang oras pa lang ang nakakaraan. Nangako siya na pupunta sa birthday ko. Nagpapaliwanag si Kakai, kinukuwento kung ano ang nangyari, pero wala na akong naririnig. Bakit siya pa? sa lahat ng Beda boys, siya ang pinakamabait, walang yabang sa katawan. Si Armaine na sobrang guwapo at inosente. Siempre hindi ko naman winiwish na mangyari sa iba naming friend pero bakit kailangang siya? Ang dami namang masasamang tao. Hindi ko maiwasang sisihin si Shrek sa mga oras na iyon. Bakit kasi kailangan niyang sabihin yung mga binitawan niyang salita? Feeling ko talaga may kinalaman yung pagpapaalam niya sa nangyari sa kaigbigan namin. Si Armaine ang sumalo ng sumpang binitawan niya. Sumama man ang loob ko, hindi ko nalang pinahalata. Hindi ko na rin kinuwento sa iba yung ginawa ni Shrek. Bago namin sinimulan ang party, nag-alay kami ng taimtim na dasal. Sinubukan naman naming magsaya nang gabing yun. Maliban kay Glenn na sobrang nasaktan sa nangyari dahil nga inlababo kay Armaine.

Madalas nilang sabihin na ‘mag-dilang anghel ka sana’ kung may nasasabi tayong maganda. Pero pano kung dilang-demonyo pala ang angkin mong dila? Sheeeeeeeeeeeeet naman, the power of words. Hay naku, wish ko lang magbago na si Shrek. Hanggang ngayon kasi matabil parin ang dila ni bakla. Walang awat. Kaya laging nasasapak eh.

Wednesday, January 7, 2009

Mabaklang Pasko.... December 24-25



MERRY CHRISTMAS….

Dahil nga potlock ang eksena namin ngayon, pumunta ako ng Centerpoint para bumili ng sugpo. At dahil ayoko ng pigain ang utak ko sa pag-iisip kung ano ang ireregalo ko sa mga friends, bumili na lang ako ng mga wine para kina Josh, John at Vanz. Alas siete palang ng gabi nakina Vanz na ako. Dinatnan ko ang bilat na nasa labas at may kainumang boylet. Pinakilala niya sa akin si Manuel na dati daw niyang officemate at kababayan sa Zamboanga. Nakiinom naman agad ako. Pero pagkatapos ng dalawang bote ng Sanmig Light, nagpaalam narin si Manuel. Dumiretso naman kami ni Vanz sa kusina para magluto. Tinuruan niya akong magluto ng chicken ala king, at pagkatapos ay yung sugpo naman ang niluto niya sa butter at bonggang bonggang tinadtad na bawang. Alas-nuwebe dumating ang magjowang Josh at John. Dala-dala ang mga regalong talaga namang baklang bakla ang pagkakabalot, at isang bandihadong macaroni salad. Dumating ang baklang Grey na naka short dress at leggings. ‘Hahahaha baklang-bakla ang pasko natin, sheeeeeeeeet,’ sabi ni Josh. Siempre pa naintriga kami sa maliit na tupperware na dala ni Grey, sabay-sabay naming tinanong kung ano ang dala niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang tupperware. TANTARARAN! Tatlong lumpiang shanghai, tatlong fried chicken wings, at tatlong stick ng cocktail size na hotdog na impernez ay may marshmallow sa dulo. Tawanan talaga kami sa dala ni bakla. Walang effort, halatang hiningi lang sa mga kapitbahay. Ang fota at akala daw eh tatlo lang kaming magse-celebrate. Pero maski na, ano yun, talagang tig-iisang piraso? Nakakaloka. Siempre pa medyo mahaba-habang panahon pa bago namin makalimutan ang eksenang itoh. Kaya gudlak mamu Gray, dagdag kuwento na yan sa lahat ng susunod na inuman.

Sinimulan na namin ang photoshoot. Ako ang unang isinalang ng mag jowa habang nag-aayos at nagbibihis naman sina Vanz at Gray. Si John ang nag-didirect, kung ano-anong pose ang pinagagawa sa akin na talaga namang halos iyakan ko na. Sheeeeeeeeet ang hirap palang maging model. Pagkatapos ng animoy dekada ng pagbalu-baluktot ng aking inosente at murang katawan, natapos din. Sumalang agad si Gray, naloka ako, wala pa yatang sampung minuto tapos na. ang Bakla bongga ang mga pose, propesyunal ang fotah. Kala mo si Tyra Banks lang. may nalalaman pang pagwasiwas ng buhok sa ere. Gusto kong tumambling. Lumabas naman kami para sa photoshoot ni Vanz. Pumuwesto kami sa tv tower sa labas ng apartment. Fashion editorial daw ang eksena. Habang hinhintay namin mag-alas-dose, sinalag na agad ni Josh ang mga pics sa adobe para maretoke. Tuwang-tuwa ako sa ginagawa ni Josh, ang galing, magical. Para akong bata. Amazed na amazed ako. Ang picture ni Gray, nang matapos, isang malaking KASINUNGALINGAN. Hindi mo na makilala ang bakla. Maganda si Gray pero sa finished product ni Josh, Tyra Banks na ang mukha ni bakla. Sabi ko nga wala ng maniniwala na si Gray yan!!! Kunsabagay, nang matapos i-edit ni Josh ang picture ko, tuwang-tuwa rin ako. Estufishet ang guapo ko hahahahaha. Gusto kong harassin sarili ko. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa………

Sabay-sabay kaming kumain ng noche buena. Nagpatugtog si John ng mga christmas song. Una sa playlist….

‘Sana ngayong pasko, ay maalala mo parin ako. Hinahanap-hanap pag-ibig mooooo…’
Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet naman oh. Nagkabastusan nah. Hahahahahaha….. ang Gray tuloy nagdrama nah. Dahil ang jowa ayaw pumunta, mas pinili pang makipag-inuman sa mga katropa niya. Pagkatapos kumain, sinimulan agad ang inuman. Tamang dating naman ni Tristan kasama ang kanyang officemate na si Gino. Galing pa sa trabaho ang dalawa. Lalong sumaya dahil dumami. Idagdag mo pa na si Tristan ang talagang kakulitan ni Josh. Buhay na buhay ang Pasko. At dahil cute si Gino, hindi nakalagpas sa paningin ni Gray. Sinimulan na ang landian. Change ng playlist….

‘All the single ladies!!! All the single ladies…. Throw your hands up!!!!’ anyaya ng lola Beyonce. Na sinabayan naman ni Gray ng sexy dance, at panay tapon ng mapang-akit na tingin kay Gino, na natatawa-tawa lang. More beer more fun, kung saan-saan na napunta ang usapan. Hanggang sumikat na ang inang aurora at lagpak na si Gray sa sofa. Walang napala sa panglalandi niya kay Gino, dahil straight nga, ang kulit kasi eh. Hahahaha. Nagdecide na rin kaming mag-uwian na.

Artwork from joe phillips

Ang Libing.... December 23



Alas-nuwebe palang ng gabi ng Dec22 ay nakabalik na ako sa Tenement. Pinakilala agad ako ni Bob sa mga anak niyang panganay at bunso. Pinakilala din niya sa akin ang kanyang ‘estranged wife’ na madalas kong makausap noon sa telepono dahil kay Superman. Pinakilala din sa akin ang ilan sa mga pamangkin ni Bob na talaga namang mga anak ng diyos. ‘Eto si Yj, siya yung nagpakasasa sa mga murang katawan namin ni Superman,’ natatawang pakilala sa akin ni Bob sa mga kapamilya niya. Hinampas ko nalang siya sa balikat. Hindi narin ako nagtanong kung bakit wala si Superman. Nakipaglaro ako ng tong-its at nanalo naman ng 700php. Dahil sa antok nakatulog na ako sa sofa, alas-siete na ng umaga ako ginising ni Bob. Nasa tabi ko ang panganay niyang anak, tulog din. Pagkatapos magkape, dali-dali akong naghilamos at nagsepilyo. Binigyan ako ni Bob ng puting t-shirt na isusuot para sa libing. Ginanap ang misa sa katabing simbahan ng Tenement. Siempre kahit hindi ko naman kilala yung namatay, pamilya naman ang turing ko sa mga naiwan niya, kaya naiyak ako sa tuwing nakikita kong umiiyak sila. Yung sakit nila, sakit ko rin. Sumakay kami sa mga nirentahang jeep papunta sa Tipas Catholic Cemetery para sa huling hantungan. Habang sinesemento ng sopulturero yung libingan, nag-aasaran naman kami ni Jojo kung sino ang susunod sa amin. Pagbalik namin sa Tenement, nag-lunch lang kami at pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Jojo, para makapagpahinga na rin sila. Kitang-kita na sa mga mukha nila ang pagod na sanhi ng mga nagdaang araw. Nakakalungkot isipin na magkikita-kita kami ulit sa ganitong pagkakataon pa. pero wala naman kaming magagawa, ganyan talaga ang buhay eh.