Pages

Friday, February 27, 2009

sunog kilay....

things to do:

short story, minimum of 12 pages...( creative writing)
news letter, 4 pages... ( campus journalism )
reflection paper ( religion )
digital autobiography ( educational technology )
digital storytelling ( educational technology )
lesson plan ( principles of teaching )


sleep....... gusto ko ng matulog..... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Tuesday, February 24, 2009

Walang Tayong Dalawa....

Feb22 (Sunday)… Isang araw na puno ng patweetums. Siempre ako yung patweetums. Nagiging kamukha ko na nga si Tweety the Bird (oo “the bird” talaga ayon sa friend kong si Star) sa sobrang patweetums….

After ng NSTP class namin, nagpasama ako kay Maine sa Caloocan para ibigay kay ate Jobel ang papeles na pinapakuha ni pudra. Uuwi na kasi si ate Jobel sa Japan. Since nasa Sangandaan kami (at clearly sanga-sanga nga ang mga daan dun), naisipan kong itext si AG. Ang lalakeng una kong minahal the first time na nagkolehiyo ako eleven years ago. Wiz pa ako thunders, accelerated akez noonchi.

Yj: nasa salon ka ba? (family biznez nila itey na siya ang nagmamanage)

AG: yup… bakit?

Yj: daan sana ako, nasa Caloocan ako eh. (tsaka sobrang miss na kitah, six months na kitang d nakikita)

AG: ok, punta ka lang dito, hintayin kita.

Yj: may ipapabili ka ba?

AG: bakit ano bang meron jan?

Yj: wala naman, malay ko ba kung nanjan si T (anak niya na inaanak ko sa binyag), eh d bibili ako ng merienda.

AG: wala siya dito, pero ako nandito at gusto ko rin ng merienda…. Hahaha

30 minutes later nasa salon na kami ni Maine, bitbit ang mga food from Jollibee…. Nyahahaha, ang cheap. Siempre pinaghintay kami ng loko, naliligo daw kasi. Hmmmmmm akala yata niya mag-isa akong pumunta… d ko pala nasabing may kasama ako. Paglabas niya, sheeeeeeet naloka ako. Ang laki ng katawan niya compared nung huli kaming magkita. Ang mga dibdib parang two-seater sofa, ang sarap upuan. Naka uber-fit pang shirt ang gagoh. Sa kanyang navy green na shirt, camouflage na shorts, at army cut hair, parang nasa harap ko si Jake Cuenca na pinaguapo lang ng one hundred times. Wa echoz. Parang gusto kong iwasiwas ang aking ulo para humaba na ang aking hair at mag-ala Kim Chiu, at gamitin ang magic wand and make NJ appear para may Gerald Anderson… at bonggang bongga… TAYONG DALAWA na ang eksena. Echoz. Oooooooooops pigilan ang sarili bakla… minsan ka ng nasaktan ng sobra-sobra dahil sa kanya. Magkumpare na kayo ngayon…… tumigil ka!!!

Anyways, yun nga. Habang kumakain kami sa kusina nila, mega interview niya si Maine kung ano lagay ko sa skul.

Totoo bang nag-aaral si Yj? Baka bulakbol parin gaya ng dati, hindi naman? May boyfriend ba siya ngayon? Ano?.... Sino si NJ?

Si Maine kasi ang daldal. Pero in fairness sobra naman niya akong inangat sa academic karirs kez. Kaya kampante na ang loko. Natuwa ako dahil hind pa rin talaga siya nagbabago. Madali parin siyang makibagay at makisama kahit kanino. Walang arte sa katawan, hindi mahiyain. Kompident. Hay, kaya ako nainlababo sa kanya noon eh. Habang nag-uusap, panay lang naman ang patweetums ko. Ngiting aso. Matang pusa. Hawi ng bangs na imbisibol. Laugh ng mahinhin. Ganun. Panay lang naman ang ismid ni AG sa mga sagot ni Maine na animoy ayaw maniwala na matino na ako ngayon. Mega encourage nga ang Maine na bumalik na rin siya sa school gaya ko. Kasi naman nagdrop out siya noon, the summer bago kami mag second year. Nabuntis kasi niya ang jowa niya. Shet sixteen lang siya noon. Keri lang naman sakin noon na may jowa siya. Pero yung nabuntis niya? Wititit. Isang malaking error. Nag-drop out din ako at nag-pak-up agad. Fly ng Japan para dun mag-move on…. Bata pa kasi ako noon. Madali pang matuliro ang isip. Years later, nagkaroon ulit kami ng communication. Ok na ako. Napatawad ko na siya. Dahil in all fairness, wala kaming masamang pinag samahan. Mantakin mo, ginawa niya akong ninong ng anak niya ng magbinyag ito. Kahit wala ako dun.

After seven years, umuwi naman ako sa Pinas, this time para naman mag-move on mula sa sinapit ko kay Pierre. Nagkita kami ni AG somewhere in Timog (May last year ito eh). Pakshet. I swear talaga. Kung ano itsura niya nung huli kaming magkita, ganun parin hanggang ngayon. Ampeyr naman ng buhay. Eto ako at libo-libo ang ginagastos para gumanda at bumata, considering galing pa ako sa bansang maganda ang klima. Samantalang siya, effortless. Ganun yata talaga pag anak ka ng diyos. We spent that whole night catching up. Kasabay ng bawat beer na nilalaklak namin, unti-unting nawala ang pitong taon na lumipas na hindi kami magkasama. Pinunan namin ang bawat isa ng mga pinagdaanan namin sa nakalipas na pitong taon. Yung sumunod na tatlong buwan, marami pang pagkakataon na lumabas kami. Nagkaroon din ako ng chance para madalaw yung bago niyang tinitirhan at yung salon na pinatayo ng mommy niya. Naging madalang na lang ang pagsama ko sa kanya mula nung mag-enroll ulit ako. Gusto ko kasing magfocus sa studies. Malabong mangyari yun kung nanjan siya lagi at baka malaglag nanaman ako. Madiskaril pa ang mga plano ko sa buhay. Tama ng nanjan lang siya. Laging handa kung kailangan ko ng kaibigan at karamay. Tama ng maging magkaibigan nalang kami ngayon. Masaya na rin naman ako. At isa pa, ang laki na ng anak niya. Utang na loob…..

Nung pauwi na kami ni Maine…

Yj: so what can you say?

Maine: mare ang guapo. mabait pa. (kinikilig pa ang potah)

Yj: mas guapo pa kay NJ?

Maine: para mo namang kinumpara ang pusa sa tigre….. (si NJ ang pusa)


Ang tanong ko nalang ngayon… sino kaya ang nag-proxy sa akin nung binyag ni T?

And yes... wala ng tayong dalawa.... dahil kaya ko munang mag-isa....

Sunday, February 22, 2009

Wat!..... Wat?

went to school around 1:30 pm. couldn't tolerate the heat so i took a cab. got my NSTP midterm grade, it was the same like prelim. Maine and I went to Asia's dorm after class. NJ had gone home to Paranaque ang Cinder was about to leave for Antipolo when we got there. The girls and Graham spent an hour watching hentai on CD's (Graham's baby bro) laptop while i read Graham's FHMs. Every now and then, they'd burst out laughing and I'd get curious so i'd take a peek. It was fun to see how childish my friends could get sometimes. We headed to the nearest barbeque house afterwards.

I fell asleep the moment i hit the bed. I wanted to watch MMK but it was nearly midnight when i woke up. It's already past 3am now. I've been watching WAT's music videos for the last three hours. They're one of my favorite j-pop groups. I don't even know who's cuter.... Wentz or Teppei?
Another day, passed in a blur.....



Happy 7th monthsary TLs.... I love you all guys.....

Saturday, February 21, 2009

Ang baklang bully...

We spent the entire afternoon at the gym. Culminating activity kasi. You have to understand na itong “honey” ko eh athlete-athletan. Mabilis tumakbo ito kaya naman nagka gold medal sa 100-meter run noong nakaraang sports fest. Hilig din niya ang volleyball. At nakaline-up din siya sa sportsfest to represent our college sa whole wide world ng aming university. Sistema mo, hindi siya nakapaglaro noon. Not once. Kasi naman ang first six ng team eh puro bayot, read- IRON LADIES! Aminin na natin na volleyball naman talaga ang gamay na gamay nating laro, tsaka swimming dahil mahilig din talaga tayo sa sisiran. So noong nakaraang sportsfest eh bench model sa volleyball si NJ as in bangkong bangko ang guapo. Kaya naman sa culminating activity kahapon….

Pinaakyat ako ni Maine sa gym around 2:30pm. May laro daw si NJ ng volleyball. Shet, pano yung MOA namin with my friend Ace? Akyat agad ako. Ang gagoh at ngiting ngiti pa ng nakita ako.

“Hon, huwag ka ng maglaro. 4:30 dapat nasa MOA na tayo,” bungad ko.

“Tse! Ano ka? Ngayon na nga lang ako makakapaglaro noh!”

“Bakit? First six ka ba?”

“OO! ANIM LANG KAMI SA TEAM! WALANG SUBSTITUTE!” at pumapalakpak na ang mickey mouse ears niya. Shet. Ang saya-saya niya. Ano pa ba magagawa ko kundi umupo sa bleachers at suportahan siya. Ayoko namang nakawin pa ang moment na ito sa buhay niya. Ngayon na ang pagkakataon niyang mag-serve, mag-toss, mag-jump sabay spike.

“Sino mga ka-team mo?” tanong ko.

“Lahat ng naka-green,” sagot niya.

Halos mamatay ako sa katatawa. Remember yung bading na muntikan niyang jombagin nung napikon siya? Si X? Ka-team niya, at captain ball pa nila. Hahahahaha.

“Kahit matalo kami, ma-jab ko lang ng bola yang mukha ni X.”

“May galit?”

“Joke lang….” ngisi niya.

Okay. Meron akong crush sa college namin. Si Chiz. Kasi naman ang galing sumayaw ng guapong itoh. Dark pa ang skin. Ito pa naman ang bet na bet ko. Witchikels ko kasi pilastra ang mga boylet na uber-tisoy. Feeling ko hindi sila tinitigasan…. Sa akin lang naman yun. Ngayon naglaro din ng volleyball si Chiz, on the red team. Sila ang first game against pink team na college of Nursing yata. Dahil nasa harap mismo kami ng mga bleachers at katapat pa namin yung court nina Chiz, bungga ang aking viewing angle. Shet ang sarap niyang papakin sa paningin. Mega cheer talaga ako for their team habang kinikilig. Panandalian kong nakalimutan ang NJ na nasa tabi ko ng mga sandaling yun. Nang mag seserve ang Chiz, ang gagang si Maine sumigaw,

“CHIIIIIIZ!”

Tingin naman sa amin ang guapo. Para kasing sirena sa lakas ang boses ng bilat na toh.

“MAHAL KA DAW NI YJ!” sabay turo sa akin. Potang ina gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Bonggang bonggang hampas sa braso ang binigwas ko sa bilat using her own abaniko. Kahit uber dark ala Naomi Campbell ang skin ko,naramdaman kong nag-rosy cheeks bigla ang aking mukha sa sobrang kahihiyan. Hindi nakatulong ang pagtawa ng mga taong nasa paligid ko including NJ.

Ngumiti si Chiz. Sabay palo sa bola. Sheeeeeeeeeeeeet ngumiti siyaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Fuck possibility? Teka lang!!!

Sumunod na ang team ni NJ at X. They played against gray team. Wit ko learn kung anong college sila. Basta pag nakakapuntos ang kalaban, sumisigaw ako….. “GRAY TEAM PURO BAYOOOOOOOOOOOOOOT!!!” deadma na kung kuyugin ako later. Makapang-asar lang. Bwah!

Dahil nga natatalo kami, “PAGUWAPUHAN NALANG!” sigaw ang Maine.

“Gagah, volleyball toh! Hindi Mr. University! Asarin nalang natin yung kalaban para madistract” baling ko kay Maine.

“Gray team BAYOTS… Gray team BAYOTS!!!”

Shet, walang nagawa pang-aasar namin. Talo kami. Kasi naman sa totoo lang regardless of NJ, puro bayot ang nasa green team. Puro pagirl pa. Tipong Chinese garter ang nilalaro.

*****

Mga 5:30 na yata kami nakarating ng MOA. Bongga, may event. Parade ng kung anik-anik. May ati-atihan. May mga naka costume. Pero dahil nagmamadali kami at baka mainip sa paghihintay si attorney Ace ay hindi na namin tinapos. Pero nakunan ko ng pic yung bonggang bongga nag-costume ng queen Amidala. Tarayful.

Buy muna kami ng mga tickets for the movie. Confessions of a Shopaholic. Then naghanap ng makakainan. Burgoo. Sige na nga. What I love about this resto ay yung malaking paper na nakapatong sa mga mesa na pwede mong guhitan with their provided crayons. Siempre pa nag-drawing ako ng mukha ng honey ko. Kaso d nya nagustuhan dahil mukha daw siyang girl with the red lips. Natuwa naman ako dahil kahit hindi nakasama si Asia, my friend Ace and NJ got along well naman. Hindi awkward ang mga conversations at hindi na-OP ang honey ko. Nagshare kami ni NJ sa isang seafood jambalaya na peyborit ko, at oriental chicken salad na sumablay sa panlasa ko. Wit ko bet ang vinegrette. Basta wa ko feel yung salad. Nang mag-CR si NJ…

“Bakla ang cute, at mabait pa… kaya lang ang bata,” si Ace na nandidilat nanaman ang mga spotlight niyang mata.

“Ay naku, twenty na yan. Wit na akes ma-lethal injection noh!” sagot ko. Tawa lang ang bruha.

Fly kami ng watson’s dahil kailangan kong bumili ng napkin. Whisper ultra with wings. Malapit na kasi akong magkaroon. Echoz! Pinapabili ng sisteret ko. Then watch kami ng movie. Masaya naman. Wit trying hard. Pero according to Ace eh mas maganda yung book. Okey. Wit ko naman learn noh. Wa nga ako idea tungkol sa movie na itey. At some point sa movie have ng eksenang may nagtanong “Who will be the next girl in the green scarf?”

“I am!” na-carried away ako eh. Malay ko bang napalakas pala pagkakasabi ko at lahat ng tao nagtawanan.

Dahil saradao na mga stores paglabas namin ng movie house, kapi-kapihan nalang kami sa stervekz. Ang bilat at pinagkukuwento kay NJ kung gano ako kamaldita at kaluka-luka nung highschool at college(abugado na si Ace at college parin ako hanggang ngayon shet!).

“Buti hindi kayo binu-bully ni bakla?” tanong ni Ace kay NJ.

“Anong hindi? Yan kaya ang bully sa lahat ng bully. Walang araw na hindi kami binully niyan. Parang sa kanya nga napunta lahat ng karapatang mam-bully eh.”

“Oy sobra ka naman! Hindi totoo yan…. Mabait na nga ako eh,” sabat ko.

“Sa grupo nga nagkabotohan kami dati kung sino ang pinaka sa lahat ng bagay. Sa kanya napunta ang pinaka-EVIL!” patuloy ng natatawang si NJ.

“Hahaha. Bakla wala kang kupas,” si Ace.

Dahil wala ng patutunguhan ang usapan nagpak-up na kami. Bully daw. Bakla ako, bully? Meron ba nun?

*****

“Cost and worth are two different things… Always!” --- confessions of a shopaholic.

Char lang!

Wednesday, February 18, 2009

Bwisit.....

Shet naman.... sa office kasi ako gumagawa ng post at copy-paste lang ang eksena ko dito. kaso ngayon ko lang narealize na sobrang HATE POST ang dating nung huli kong ginawa. Kaya d bale nalang... sobrang galit lang talaga ako ngayong araw na itoh... pero ok na.... nailabas ko na rin naman yung galit ko sa pagtatype nung post kanina..... baka kasi pagsisihan ko kapag pinublish ko pa.....

Bukas pipilitin kong pumasok sa school ng may ngiti as if natulog akong may hanger sa bibig....

Char lang....

Monday, February 16, 2009

U.P Fair... U.P. Pairs.....






"Bakla musta balentayms?" tanong ng friendship kong si M sa chat.

Hindi naman masyado. Keri lang. Ang pesteng si DD nagtext ng maaga na may OT daw siya kaya maghanap na daw ako ng ibang kadate. So I spent the whole day with my pamangkins Ethan and Sebastian. Around 8pm, sinundo ko na si Marix, mag-inom nalang daw kami kina Vanz. Pagsakay ng bakla sa taxi, “tangna mo bakit ganyan ang itsura mo? Pupunta tayong emba,” sita ng bakla sakin. Tangna sana kasi sinabi d vah! Pinabalik ko ang taxi, tawag ako sa sisteret at nagpababa ako ng damit na dinaanan ko sa gate. Pagdating kina Vanz, tulog pa ang bilat. Browse muna ng net at landian with the boys na sina Zak, ito yung mga boylets na nakakainuman ko for the last two years na nag-spend ako ng holidays kina Vanz. According sa pudra nitong si Zak eh biggie size daw ang nota ng boylet. I wonder kung gano ka big. Mega ask ang Zak kung saan kami fly. At mega spluk siya na bakit pa daw kami lalabas kung pwede namang sila nalang ang kainuman namin… Aaaaay, klap ang kipay. After ol, mukhang may dilig din akeiz for the night. Pwedeng magnomo na muna bago magfly ng emba. Para solve solve na. Sabay nagtext ang Asia, kasama daw si NJ sa UP fair. Shet. I’d rather spend valentine with NJ kahit hindi date ang eksena basta makasama ko siya keri na.

“Marix gusto mo sumama sa UP?”

“Tangna mo ang layo ha! Tsaka sa emba tayo pupunta, UP UP ka jan!”
“Sorry sister, I have to go. Nakasalalay ang lablayp ko ditey.”
Maaaring napalagpas ko ang pagkakataon na malaman kung gano talaga kalaki ang kutsilyo ni Zak at kung magaling nga siyang sumaksak, pero mas pagsisisihan ko kung hindi ko makakasama si NJ bago matapos ang balentayms. With that nasa taxi na ako patungong dorm. Na-excite ako dahil nagtext ang Asia, may surprise daw sila sakin kaya dapat na maunahan ko si NJ dun. Pagdating ko dun, wala pa ang BBB at NJ. Tambay kami sa kuwarto nina Graham at Asia. Nandun na rin ang magjowang EllaB at Bart. Siempre pa mega chika ako sa mga kaganapan sa Miss Gay the previous night. Since medyo masikip ang kuwarto, binuksan muna ni Asia ang kuwarto nina NJ at Cinder. Shet, may bokey bokeyan ng red roses sa bed. Sure na, for Cinder from NJ. Anong kalokohan itoh? So itoh pala ang surprise ni Asia? Teka lang. Okay bago niyo ako husgahan, itoh ang naisip ko: Sabado palang, Monday pa uuwi si Cinder. Pag inabutan niyang lanta ang mga flowers, manghihinayang siya at malulungkot. So mas mabuting wala nalang siyang flowers na abutan d vah? Tsaka kasama ko sina Asia at EllaB dito sa krimeng ito. Asar din kasi sila kay Cinder. At kung makikilala mo siya, maaasar ka din.

"He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not…."

“Asiaaaaaaaaaaaaaaaaaaa” putang ina si NJ sumisigaw sa labas. Wala siyang susi ng gate. Dali-dali kaming nagpak-up, pinulot ko isa-isa yung mga nalagas ng petals at binulsa muna. Nakakita ako ng isang kahang West Ice sa ibabaw ng TV. Kay NJ daw sabi ni Asia. Pwes akin ka na. Lipat agad kami ng kuwarto ni Graham. Kainis hindi ko man lang nasira ng bonggang bongga yung mga roses.

Nagtext ang BBB, hindi na raw siya pinayagan ng mudra niya. Kaya gora nalang daw kami.

“Potang ina mo. Kala ko ba on the way ka na kanina? Nilipad ko Pasig hanggang dito dahil akala ko kasama kayo tapos hindi pala?” text ko sa kanya. Kasi naman d vah, kanina pa niya sinasabing on the way na siya… so naghintay pala kami sa wala!!!

So there, anim lang kami. Yes, kami lang ni NJ ang walang kapares. Si NJ ang nagmaneho. Buti nalang pala hindi na sumama ang BBB, pag nagkataon wala rin pala siyang lulugaran sa karamba. Pagdating namin sa UP, naloka ako sa haba ng pila ng mga gustong magjoin sa fair. Kung hindi ba naman buwang ang mga coordinators nito eh, dalawang linya lang yata ang ginawa. Mano bang nilakihan ang gate at nagdagdag ng mga tao. Kala ko ba matatalino mga taga UP? Char lang! May banda ng tumutugtog. Rakrakan itey. Buti nalang part si Bart ng zip line adventure area kaya d na kami pumila. So ikot muna kami sa mga tiangge at hanap ng mga shirt na may nagmumurang print. Yung mga tipong pag sinuot mo eh nagsusumigaw ng ‘potang ina mo tignan mo ako’ sa mga taong masasalubong mo. Food trip ang sumunod, isaw (eeeeew) hindi talaga ako kumakain nitey, kaso ayokong isipin ni NJ na maarte ako, tsaka lumafang din siya eh, kaya lafang na rin akeki. Shet, the things you do for love. Tapos buy naman kami ng inihaw na mais. Sige lang, erna contest itey later. Then pahinga muna kami sa damuhan malapit sa zip line adventure. Nilabas ko ang yosi. Nakita ni NJ. Humingi siya. Tatalakan ko sana kaso naguilty ako sa ginawa ko sa roses na binili nya para kay Cinder. Tsaka isa pa yosi naman niya to e.

“Ngayon lang ha,” sabi ko. Ngiti naman siya sabay tango.

Watch kami ng mga bandang tumutugtog habang nakaupo sa damuhan. Ang daming mga nakahiga at naglalampungan. Yung iba borlogs na. Kumakanta si Barbie.

“Hon, akyat ako sa stage. Pag naka-akyat ako, tayo na,” hamon ko kay NJ.

“Sige,” sagot niya.

“Eh kasi naman eh. Pwede naman palang maging tayo, bakit kailangan ko pang umakyat?”
Natawa ang mga friendship.

“Hayop sa banat!!!” si EllaB. “Bonggang bongga ka talaga bakla!”
More pics more fun. Hanggang sa magkayayaan mag wall climbing. Nagsabay sina Asia at NJ sa pag-akyat. Then Graham and EllaB. Dahil may kalakihan ang kaha ng katawan ni Graham, naloka ako ng makita kong apat na yung humihila at umaalalay sa lubid na gamit niya. Samantalang laging dalawa lang dun sa mga naunang umakyat. Highlight ng gabi namin yung zip line (actually kay Luis ko lang nalaman na zip line pala tawag dun wahahahaha). Dahil si Bart ang nag-assist sa akin, hindi niya ako binitawan hanggat hindi ako nakasisigaw ng…

“NI***** J**** G***** I LOVE YOUUUUUUUUUUUUUUUUUUU!!!!” sabay lipad hahahahaha…… ang sarap talaga asarin ng honey ko. Kinunan pa naman ni EllaB ng video.

We spent the rest of the night watching the bands play. Ang daming tumugtog ha. Ang papa Yael nandun din. Ang crowd talaga namang bet na bet ang eksena. Nagliliparan ang mga bote ng mineral water, yung iba may laman, hinahagis ng mataas kaya habang pabagsak ang bote eh bumubuhos din ang tubig. Kung tubig nga ang laman ha! Yung iba yata condom na may laman ding tubig ang binabato. Shet… kung ako yun, may I gather akes ng mga shomodels at yun ang ibabato ko ng bonggang bongga. Swerte nalang kung bayot ang bagsakan sa mukha! Eeeeeeew.

Alas-singko na yata kami umuwi, dahil tom jones na kami. Dumaan muna kami sa Jollibee. Dahil sobrang pagod pa ako sa kakulangan ng tulog, hindi kinaya ng lafang i-restore ang powers ko. Hinatid muna ako ni NJ bago sila tumuloy sa dor, kung saan sila naghiwa-hiwalay.

All in all masaya ang UP fair. Pero ano kaya kung nakipag inuman nalang ako kina Zak?

Nakita ko kanina yung comment ni LA sa mga pics na naupload ko na sa multiply.

“UP Pair pala eh. Ngayon ko lang nagets…. Pair pair pala kayo hahahaha.”

Tse! Walang kwenta yung ka-pair ko. Nagpakalasing nalang sana ako at sumayaw ng walang humpay sa emba. Shet!!!

Char lang!!!

Sunday, February 15, 2009

Thank you for joining....

So yun nga. Last Friday night escape ang byuti kez sa Alabang para mag-judge ng byucon na organized ng mga friendships. First time nilang gumawa ng something like this kaya medyo hindi pulido and production pero keri narin naman. At impernez mga shutipul din naman ang sumalang at nagpakitang gilas at kung anik-anik pa ang pinakita. Pero may mangilan-ngilan ding lakas ng loob at tibay ng sikmura ang pinuhunan. Ladies and gents and in betweens, presenting the candidates of the 2009 Miss Gay Valentines…… (sabay tugtog ng theme song ng Diyozah)



THE TITLE HOLDERS....


2nd Runner Up


ayan ikaw na mag ala- mulawin..... diosah cielo ang eksena ng potah. eto medyo bata pa, kaya palaban. talagang ginagagoh ang mga eksena niya. to the highest level. at brainy impernes... ang most outstanding moment ng potah:
T-front!!! Beat that MADERPAKERZ!!!



1st Runner UP

Ito ang tinatawag ni kablogera na half-human half science... ang cheekbones, por kilo yata ang tinurok na silicon. Nagbest in talent at yunnarin ang defining moment ng potah.



MISS GAY VALENTINES 2009

Ang fotah shutipul talaga at hindi itoh nauubusan ng gown. parag huling salang na nitoh sa byukon kaya naman nirampa na lahat ng meron siya. Siya rin ang nag best in national costume, best in long gown at best in swimsuit.... LABAN?
Para sa akin most outstanding moment niya ang final question and answer. Ako ang nabunot niya para magtanong sa kanya. "What do you think is the greatest thing today's generation of homosexuals have already achieved?" Pagkatapos ng the usual pasakalye eto ang spluk ng lola: Our greatest achievement so far is the fact that we've already learned how to fight not only for our rights but for our own place as an individual not merely occupying space but an individual with a purpose..... or something to that effect, d ko na kasi maalala exact words niya mga teh.



PRESENTING THE THANK YOU GIRLS!!!


Thank You Girl #1


from the land of uh-uh ah-ah..... South Africa

shutipul sana itey kaya lang wiz sa pagkabrainy kaya wit nyosok sa semay.... kaya wit siya outstanding moment....


Thank You Girl #2



Isa pa toh. Nagpakilalang nag-iisang Maligno ng 2007, Claudine Baretto... nagkatalo lang sa final QnA. Witchikels sense ang answer niya. Sayang....


Thank You Girl #3


Itoh bold star ang dating. Via Veloso. Bet ko rin sana itey na pumasok sa final 5 kaso mukhang wit siya bet ng ibang judges..... kaya naligwak.



Marami pa actually silang mga Thank You Girls kaya lang itong tatlong toh ang hindi ko kinaya...


Tae-tae Girl #1

Itoh parang napagtripan lang sumali. Ni hindi nga nag-ahit ng balahibo sa legs. At nang mapagtantong wit naman talaga siya laban, nagwalk out nalang bigla. Eksenadora lang!!!


Tae-tae Girl #2

D ko kinaya ang national costume. Parang mag-aabay sa kasal. Pero most outstanding moment nito nung casual interview, kung saan bubunot sila ng papel na may nakasulat na word... What comes to mind churvah.... eh nabunot niya ang word na Moral.



Host: What comes to mind when you hear the word MORAL?



Tae Girl: Before anything else, i lab my pader, i lab my mader, but i don't know the answer. Sabay talikod.....

Wahahahaha kung may Miss Sweet Honesty award lang teh.....



Tae-tae Girl #3


Sa lahat ng kandidata eto ang literal na lakas ng loob at tibay ng sikmura ang puhunan. Hindi ko nga alam kung lasing ito o bangag dahil parang wala pa sarili pag nasa rampahan nah. At ang most outstanding moment niya ay gaya ng Tae Girl #2, sa casual interview.



Host: What comes to mind when you hear the word INSANITY?



Tae Girl #3: Thank you so much for that interesting question. Thank you so much judges, thank you so much coordinators, thank you so much audience. Thank you so much. (binalik ang mic sa host at tumalikod na ang potah). Muntik akong malaglag sa upuan sa katatawa.


Pero huwag ka, dahil jan, nag Darling of the Crowd siya. LABAN?



I spent Valentines with my honey NJ at the UP Diliman Students' Fair..... Later na details.... I need to go to the hospital..... ipapacheck up ko ang aking granma dear....


Bwah!!!




CHAR LANG!

Saturday, February 14, 2009

Hapi Balentayms.....

Maligayang Mahal na Araw hahahaha....

Bonggang bongga ang splukara namin ni Luis kanina lang sa chat. Maraming tumbling moments.... sinong mag-aakalang mataas din pala ang level ng pagkaluka-luka niya? Hahahaha..... Enjoy your night friendship....

Shower na akei. rampa akez unya with the TL friendships. Wit ko pa lang learn kung join ang honey NJ ko. Anyhow, more nomo more fun ako unya. Wit pa paramdam ang fubu eh....

One thing more... nag-judge ako ng Miss Gay kagabi. Nakakaloka. Lalo na yung mga 'thank you girls'.... may kamukha pa si Bernadette (from the movie The Thank You Girls) sa mga kandidata.... laters blog ko ng buo ang mga events.... eto patikim.

Taray d vah? Wait ka lang sister!!! D mo kakayanin pag humarap yan! Hahahahaha

Happy Valentines!!! Spread Love...... Not War!!!

Char lang!

Friday, February 13, 2009

Tagged... by Aris

25 Random Things About Me

1. I am a Libra. Balanse. Kaya nga kung anong ganda ko, yun din ang landi ko. Choz.

2. Una kong crush si Calvin Klein. Grade 3 ako nang una kong makita ang picture niya sa poster ng tita ko na nakadikit sa kanyang bedroom wall. 13 years ang lumipas bago ko narealize na model lang pala yun at hindi siya si Calvin Klein, nakita ko kasi siya sa internet, Marcus Schenkenberg pala yung namesung ng 1st crush ko. Matanda na siya ngayon.

3. Palaki ako ng lolo at lola kaya naman may pagka bratinela. Tienez!

4. Grumaduate ako ng elementary na boy scout of the year. Mahilig ako sa camping dahil chance para humada ng mga maeelsang high school boys. Yung 1st asean jamboree sa Mt. Makiling nung 1994, nandun ako. Walang gabing zerowena lola mo.

5. 1st year high school, nag join ako ng annual Miss Barbie Contest ng school na ginaganap tuwing Intrams. Take note, catholic school ito pero nagpapa miss gay. Lahat ng section may candidate, yung iba hindi beki. Yung mga boylets na guapo at maganda pag nagbihis babae, sinalang din ng mga kasection nila. 1st runner up ako. 1st year din yung nanalo. Ang guapong si Paul na tisoy kasi kaya naging kamukha ni Marimar nang mabihisan. Para kaming Naomi Campbell versus Kate Moss.

6. 3rd year high school. Nahada ko si Paul. Wagi.

7. 3rd year high school pa rin. Nahuli ako ng titser na humahada ng isang senior sa loob ng kuwarto ni Kuya Rudy na janitor sa school. ‘Ituloy niyo na yan, mahirap ang nabibitin,’ ispluk ng matandang si Mr. B bago nag walk out. Siya ang pinakapeyborit kong titser ever.

8. Grumaduate ako ng high school na may special award, parang trophy na gawa sa iba’t ibang lollypops. Ginawa ni Mr. B. Siya rin ang nag-award with matching devilish grin.

9. Huling gamit ko ng relo was 14 years ago, sabi ko sa sarili ko, hindi na ulit ako magrerelo kung hindi Rolex. Feeling ko mamamatay akong hindi na makakapag relo. But I’m a heartbeat away from buying one of those shining shimmering splendid wristwatches from ODM. ODM nga ba yun?

10. I hate pets. They die. ‘Nuff sed.

11. Japanera ako. Nakatatlong shift na ako ng course sa college nun tapos tinamad akong mag-aral. Fly ako sa Jafan to live with the feyrents. Dito nagsimula ang karir ko bilang isang malaking POK!

12. Nineteen ako nung bilhin ko ang condo unit na tinitirhan ko ngayon. Bunga ng kapokpokan ko.

13. Si Pierre ang kauna-unahang lalaking nagpatino sa akin. Sa kanya lang ako nakipagrelasyon. Umabot ng limang taon. Ang gagoh, nakipag break sakin sa mismong araw ng 5th year anniversary namin. Not a day before nor after. Mismong araw mga teh!

14. I learned the hard way na dapat maghugas ng kamay bago umihi lalo na kung nagchop ka ng siling labuyo.

15. Favorite kong inuman ang sementeryo. Take note, hindi ito yung mga memorial parks. Ito yung mga sementeryo sa probinsiya na patong patong ang mga puntod. Bongga. Mga adik kasi kaibigan ko. Yan ang trip nila.

16. Natulog na ako sa plant box sa sobrang kalasingan.

17. Hindi ko ipagpapalit ang hundred islands. Ito na ang pinakamagadang lugar para sa akin. Lalo na pag nasa tuktok ka ng Governor’s Island. Tanaw mo halos lahat ng mga isla. Tsaka dito ko kasi nahada ang isa sa mga long time crushes ko. Meaningless sex yan pero yan ang mga tumatatak sa isip ko.

18. Nang una kong makita si Mariah sa charmbracelet tour niya sa Nagoya City, umiyak ako.

19. Ultimate dream ko ang mag-aral sa Central Saint Martens sa London. Gusto kong maging fashion designer.

20. The Goonies ang dahilan kung bakit mahilig ako sa pelikula ngayon. Wholesome yan. Parang title lang ng m2m pero hindi.

21. Matagal akong tumira sa Japan pero never akong kumain ng sushi at sashimi. Ayoko ng hilaw na pagkain. Maliban sa isang bagay at alam mo na yan. Salad! Salad ang tinutukoy ko.

22. Mahilig akong kumanta pero terible ang boses ko. Oo, makapal ang mukha ko. Kebz!

23. Tatlo na nag pamangkin ko at sila ngayon ang constant source ko ng happiness.

24. Thirteen years akong nagyoyosi. Hindi na ngayon. Mahirap ang pinagdaanan ko bago ako nakapag quit. Hindi pa nga totally, minsan kasi napapasindi pa rin. Pero madalang pa sa pulang buwan.

25. Inlove ako ngayon kay NJ. Bwahahahaha

Wednesday, February 11, 2009

Fishbowl, ice cream, ipis at ang honey ko....

Lunes (Feb 9) maagang natapos ang exams namin kaya naman watch ng volleyball game nina BBB sa gym. Our school against San Sebastian College. Natalo kami. Kasi naman biggie size talaga ang mga kalaban, mga mukhang magsasaka pa. Ang mga binti parang hinubog ng taon-taong pag-aararo sa bukid habang hila-hila ng kalabaw. Powerful. Oo bitter ako.

Anyways, nagkayayaan kaming mag Robplace. Nasabi ko na bang peyborit naming mall yan. Ewan ko kung bakit. Apat kami. Ako, NJ, BBB at ang emo-girl na si Asia. Sakay kami ng nyoksi. Nasa harap si NJ, kaming tatlo sa likod.

‘Hon, pahiram ng salamin,’ sabi ko sa katabi kong si Asia.

‘Wala akong salamin eh,’ si NJ ang sumagot, tumingin pa sa amin sa likod.

‘Uuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuy’ sabay ang Asia at BBB.

‘So honey na nga kitah?’ tanong ko kay NJ.

‘Eh kasi naman ako lang ang tinatawag mo ng honey, akala ko ako kausap mo,’ sagot niyang natatawa.

So hanggang sa mall hindi na nawala ang pang-aasar sa amin nina BBB at Asia. Sa isip-isip ko naman, sige lang, malay mo madaan sa biro, mainlab din sa akin ang gagoh. Nyahahahaha. ASA!!!

Sa bawat pagkakataon naman, inaasar ko si BBB sa mga kabaklaan niya. Malay mo, madaan sa biro at umamin na ang bruha na isa rin siyang Diyozah na mahilig kumanta on bended knees.

Pagkatapos ng mahaba-habang diskusyon kung saan kakain, Jack’s Loft ang bagsak namin. Go, fishbowl iced tea itoh. Huling araw na ng iced tea. Nakatutuwa kayang paglaruan yung fishbowl nila. So more pic, more fun ang eksena. Heavy meal ang BBB, napagod sa laro ang bayot. Ang Asia nagpasta. Kami ni NJ share sa chicken panini at putanesca. Isa sa mga gusto ko kay NJ ang hilig niya sa pagkain. Yung enthusiasm ba niya kapag pagkain ang pinag-uusapan. Tapos para pa siyang bata. Pagkaserve ng pagkain, pinaglalaruan muna niya bago niya kainin. Kung ano-ano naiisip gawin. Gagawa ng smiley sa plato. Ganun. Cute niya d vah?

Dahil nga ang dami nung iced tea, contest yung dalawang boylet sa pag ubos. Go tungga system itoh…. Ang gusto pa ni Asia eh by straw daw. Gudlak naman sa brain freeze. Buti kong si Bernard yun at wala namang utak yun. Wahahahaha. Si BBB nagsabi niyan. Siempre pa ang NJ ang unang nakaubos. Itong si BBB panay parin ang tungga sa fishbowl. Gusto palang sairin yung icedtea na naiiwan sa bukana nung baso kung saan may korteng bewang, kasi naiipon yung tsaa dun.

‘Pano mo nasaid yung sayo NJ?’ si BBB sabay tungga ulit ng baso.

‘Straw.’ Wahahaha. Gamitin kasi utak, pareho pala kayo ni Bernard eh.

So ikot to the max. Hanap ako ng strap at case para sa digicam na hiningi ko sa sisteret ko. Ayaw talaga akong bigyan nun, dahil lahat ng gadgets ko, i-pod photo, video cam, digi-still cam, cellphone, one-time big-time na nawala. Ninakawan ako sa bahay eh, anong magagawa ko? Para daw magtanda ako sabi ni sister huwag na daw akong ibili. Buti nalang may subject ako ngayong sem na educational technology. As in integrating technology inside the classroom ang drama. Kaya naman no camera, no final grade ang drama ko kay sister. Ayun giblab agad ng newly digicam. Arigatooooooo….. Sa enrollment sabihin ko mag-shift na ako sa broadcasting para magkaroon ako ng bagong video cam. Char lang.

So nakabili na kami ng kung ano-ano. Fly kami ng topman para tumingin ng kung anong bago. Kasi naman, ewan ko kung kaylan nagsimula, na pag may maganda kaming makita, lagi kaming mag-uunahan ni NJ sa pagbili. Gaya nung hellboy shoes na yan. At yung mga shirt na suot namin nung soiree. Pareho. Laging magkaiba lang ng kulay. May nakita akong button down shirt sa topman about three weeks ago. Last week nagkaroon ng ‘wear your style day’ sa school. Pumasok si NJ na suot yung shirt na gusto ko (yung kulay na guso ko pa, BLUE). Badtrip. Sana hindi ko nalang sinabi sa kanya.

‘Heler. December ko pa binili toh,’ natatawa niyang sabi. Sinungaling! Gusto mo lang akong asarin. Hmp.

So sinukat ko yung black. Sinamahan ako ni NJ sa fitting room. Siya nag-ayos nung manggas habang binubutones ko yung harap. Kilig naman ako. Slight lang.

‘Mukha kang sanggano,’ banat niya. Tingin ako sa salamin. Okay. Trulili. May katotohanan ang sinabi niya. Hindi na ako bumili.


May pinuntahan kaming parang tiangge corner ng mall. Bibili kasi si BBB ng wallet. Nainggit kina Asia at NJ dahil meron sila nun. Si NJ tumitingin-tingin ng mga lighter. Mga fisrt class imitation na Zippo. Nagtaka ako dahil hindi naman siya naninigarilyo.


'Ay naku Yj. Naninigarilyo na yan. Naimpluwensiyahan ni Cinder,' bulong sa akin ni Asia. Hinila ko agad si NJ.


'Sira ulo ka ba? Alam mo bang ang hirap tanggalin ng bisyong yan pag nasimulan mo? Kapag nakita kitang nanigarilyo, susungalngalin ko yang bibig mo!'


O d vah, nanay na nanay ako. Bwah.


'Hindi ako nagyoyosi.' Okay. I believed him. Pero humanda sa akin yang bubog na si Cinder.

May nadaanan kaming stand ng mga parfums. Sale daw. At talagang brasuhan style ang pamimilit ng mga staff na i-try namin ang mga produkto. Mapilit kayo ha. Sige na nga. Paris Hilton, spray. Masangsang. Gap, spray, pwede. Ferrari, spray, okay lang. Maya-maya ang Asia, nahihilo na. Ang NJ pinag-iisipan kung bibili siya nung Gap (for women).

‘Para sa akin ba yan?’ tanong ko.

‘Bili mo ako ng Bulgari Aqua bilhin ko toh para sayo,’ sagot niya.

‘GUDLAK!!!’ d bale na oy! Ending, wala rin siyang nabili. Siempe dinaot namin ni Asia ang NJ noh. Baka mamaya si Cinder ang bigyan nun eh. Hmmmmp. Malaman-laman ko lang!

Grocery naman kami. Gustong kumain ni NJ ng ice cream. So buy ng kalahating galon. Yung dalawang flavor. Coffee crumble at double dutch na paborito ni BBB. Kakainin daw sa taxi. Pano kakainin? Buy ng disposable spoon. Ang gagong BBB at Asia, serving spoon ang kinuha. Pagkalalaki. Tipong nganga to the max ang drama para magkasya sa bibig mo ang kutsara. Siempre sila lang ang nahirapan dito. Bihasa na ako pagdating sa ngangahan. Nahasa na ng panahon .Bwahahahaha. Para kaming mga tanga sa taxi. Nag-unahan kami sa likod para makakain ng maayos. Si BBB ang nahuli kaya siya sa harap. Kaso hawak pala niya yung ice cream. Wala rin kaming nagawa.

Nang malapit na kami sa Nagtahan. May napansin ako sa balikat ni NJ. Natatawa na ako sa sarili ko ng mapagtanto ko kung ano yun. Pinaka-hate pa naman niya itoh. Binulungan ko si Asia na tinitigan naman agad yung ipis na nasa balikat ni NJ. Napansin ni NJ…

‘Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah’ sigaw/tili ang gagoh sabay pagpag sa damit niya. Hindi magkanda-ugaga. Pati si manong driver naloka. Natawa sa reaksiyon ni NJ. Kasi naman hindi mawari kung sigaw o tili yung ginawa niya.

‘Buhay ka pa iniipis ka na,’ tawa kami ni Asia. Nanahimik na ang honey ko. Takot sa ipis eh. Bwahahaha. Niyakap ko nalang. Wawa naman eh. Maya-maya pa, nilalaro ko na yung isang nipple niya. Ganyan kami maglambinga eh. Balahuraan. Nyahahahaha.

Dumaan kami ni BBB sa dorm nila. May kukunin kasing CD si BBB kay Asia. Pagbukas ng pintuan ng kuwarto nina NJ, umalingasaw agad yung amoy. Nakakasuklam. Nakakarimarim. Alam mo yung amoy ng ashtray na puno ng upos ng yosi, nilagyan ng tubig, tapos pinabayaan ng ilang araw. Ganun yung amoy.

‘Jeez, how could you live like this?’ tanong ko kay NJ. ‘At ikaw naman Cinder, bakit naman kailangang dito ka mag-yosi?’ baling ko kay Cinder na nakahiga sa kama at nagising sa pagdating namin.

‘Eh nakakatamad bumaba eh,’ sagot niyang natatawa. Nakakapikon talaga ang babaeng toh. D pa mangisay. Shet.

‘Kung gusto mong mamatay, huwag mong idamay si NJ!’

‘Hayaan mo na, amoy nalang yan. Wala naman ng usok,’ pagtatanggol ni NJ kay Cinder. Tiningnan ko lang siya ng masama.

Pasok ako sa kuwarto nina Asia at jowa niyang si Graham. Ang Graham kuwento agad ng mga katarantaduhan ni Cinder. Pero saka ko na ikukuwento. Naiinis ako eh.

‘Buksan mo yung bintana at electric fan para lumabas yung amoy ha,’ bilin ko kay NJ bago kami umalis ni BBB.

Habang naglalakad kami ni BBB papunta sa sakayan. D namin maiwasang pag-usapan nanaman si Cinder at ang kanyang kabaliwan. May saltik talaga ang babaeng yan. Pag ako napikon, pupuntahan ko talaga ang tatay niyan at sasabihin ko ang mga kagagahan ng magaling niyang anak!!!

Char lang! Bwah!

Tuesday, February 10, 2009

Ang pagdadalaga ni BBB...



Sunday night (feb 7). I was already in bed. Nag text ang BBB.

Der was a “gangster” guy who fell in love wid a gud boy. D guy rili lovd d boy so much dat he wil do things just to make d boy hapy. D boy told d gangster 2 stop fighting wid other gangs. 1 day, d boy heard d news bout a riot, n he saw d gangster bloody n dying. D boy held him in his arms and cried. D gangster smiled and said, ‘d ako lumaban kasi baka magalit ka.’
Nag GM ako sa TLs, ‘BBB, that was so gay.’

Nag GM din ang loko. ‘Do I have to be alarmed? Yeah I know it’s sooo gay haha… y do I have 2 dfend myself? Nah! Im going to slip guyz, im not guilty of such. Hehe daming cnabe. Anyway gudnyt.

Sagot ako, ‘Unbelievable! WTF?’

BBB: ‘wtf? Ang alin?’

Me: ‘Ikaw! Did u really have to say those things?’

BBB: ‘Hahaha wala magawa eh. Having fun texting nonsense haha.’

Me: ‘Yeah right! Suit yourself. Gudnite.’

BBB: ‘Yeah. Tnx 4 d tym Yj. I hope ur not mad naman d b? Gudlak on your exams 2moro.

Me: ‘Y wud I b mad?’

BBB: ‘ La lang. probably just a nonsense again. Haha. Anyway gudnite Yj.’

Tapos nag GM ang Puff, ‘Does that mean sumthing? Hah BBB… r u kinda letting urself out?

Reply ako kay Puff… ‘Hahahaha that’s what I thought too.’

Hay naku matagal ko ng hinihintay ito. Kasi naman lahat ng mga bahid ng kabaklaan nakay BBB. Pero talaga namang kita mo ang effort niyang sikilin ang nararamdaman niya. Pero sabi nga nila, ang apoy hindi yan mamamatay pag binuhusan ng tubig, bagkus lalong maglalagablab, dapat hinihipan ng hangin. Hmmmmm, dumating na yata ang panahon ng pagdadalaga ng aming bunso. Pero huwag kang mag-alala bunso, iyo ang lahat ng panahon para tuklasin ang mga bagay na dapat mong matuklasan sa sarili mo. Mahirap na pinipilit pahinugin ang isang prutas dahil hindi magiging kaaya-aya ang lasa nito. Dapat hinog sa panahon. Kaya sige bunso, simulan mo na ang pagtuklas. Sana lang pag dumating ang panahong tuluyan ng mamukadkad ang ubod ng rosas, nandun ako para saksihan yun.

Nieta, huwag mo lang sasabihing inlababo ka rin kay NJ. Error yun!!!

Char lang! Bwah!

Saturday, February 7, 2009

Sorry....



Ang sama ng loob ko sa sarili ko. Naayos ko naman yung gulong ginawa ko sa pagitan namin ni NJ kahapon bago kami naghiwalay pauwi. Pero hanggang ngayon naiiyak parin ako sa tuwing sumasagi sa isip ko yung itsura niya kahapon na naiiyak na sa galit at sama ng loob.

During lunch time nagkita kami ni NJ sa Tspot. Nagpasama ako sa kanya sa gateway dahil may kukunin ako sa friend ko na dumating galing Japan. Yung digicam na giblab ng sisteret ko. Kahit may klase si NJ ng 1pm at may chance na malate siya pag sumama, go parin siya. Ganun siya kabait. Sumama rin si EllaB dahil wala siyang klase. Fast forward, pabalik na kami ng skul. Nasa LRT station na kami at may dalang dalawang box ng cake na bigay ng friend ko. Pagpasok namin medyo siksikan. Natatawa si EllaB sa sarili niya. ‘Ang sama ko talaga,’ bulong niya sa akin. Tinanong ko kung bakit, pero ayaw niyang magsalita. After two stations, medyo lumuwag na kaya atras kami sa gitna. This time kwento na ang bruha kung bakit siya natatawa. Pabulong. Kaya naman lapit namin ni NJ ang mga mukha namin sa kanya.

‘Kasi kaninang pagpasok natin, una kong napansin yung baba nung guy na yun oh,’ sabay turo sa lalaking nakatayo sa door na kaharap niya kanina. Mahaba nga ang baba, tipong nililisensiyahan.
‘Naisip ko kasi, what if matumba ako at yung baba niya ang makapitan ko,’ pagtatapos ni EllaB sabay tawa. ‘Ang sama ko no?’ pahabol pa ng bruha.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nagtanong. ‘Sa grupo natin, sa buong TL, sino pinakamasama ang ugali?’
‘Ikaw,’ hindi man lang nag-isip si NJ. Natawa si EllaB sa bilis ng sagot ng gagoh. Hindi ako natuwa. Shit. Ako? At talagang with conviction ang pagkakasabi. Hindi man lang nagdalawang isip. Ako! Ako ang pinakamasama ang ugali?

‘Bakit ako?’
‘Nagtanong ka, sinagot ko.’

‘What about Cinder? Si Cinder ang pinakamasama ang ugali. Hindi ako.’ Utang na loob. Of all people ayokong ikaw ang mag-isip na masama ang ugali ko.

To cut the story short, dinamdam ko toh. Naasar talaga ako. Pumasok kami ni NJ sa magkahiwalay na klase. Iniwan ko kay EllaB yung dalawang cake. Pinakain ko sa mga friendships yung isa. After class, Tspot ulit kami. Walang gustong umuwi dahil umuulan. Dumating ang baklang Xena na ka-college namin. Somehow may bond kami ng baklang to dahil pareho kaming Ilocano. Ito ang baklang kinaasaran ni NJ dahil lagi siyang inaasar na pa-mhin daw siya. Sensitibo si NJ sa bagay na ito. Hate na hate niyang pinapansin ang pagka-vaine niya. Naisip ko na pagkakataon ko na para maasar si NJ. Masama pala ang ugali ko ha! Tignan natin. So start kaming mag spluk sa Ilocano. Paminsan minsan binabanggit ang name ni NJ para isipin niyang siya pinag-uusapan. Deadma lang siya nung una. Kaso nakakaintindi sina Gilbey’s at LA ng Ilocano. Nakitawa ang mga damuho. This time, inisip na ni NJ na pinagtatawanan namin siya.

‘Tumigil ka nga,’ sabi niya sa akin. Pero hindi ako nagpaawat. Spluk pa rin kami at tawa. At one point, may gustong itanong si Xena. Sabi ko kay NJ niya itanong.

‘Sige, itanong mo sa akin at babangasan ko yang mukha mo,’ may diin na banat ni NJ kay Xena. Pikon na pala ang gago. Naglabas ng panyo. Shet naiiyak na. Humihikbi na ang fotah. Nangingilid na ang mga luha. Ang pula na ng mukha. Parag bulkang sasabog. Tumahimik kaming lahat.

‘Oh ayan si BBB. D ba pinagkakalat mong bakla siya? Ayan! Sabihin mo sa kanya ngayon na bakla siya,’ si NJ kay Xena. Wa spluk ang bakla. Tingin sa akin na parang humihingi ng tulong.

‘N, binibiro ka lang naman eh,’ sabi ko kay NJ.

‘Putang ina mo manahimik ka jan,’ sabay pakyu. Shet galit nga ang gagoh. Hindi pa ako minumura nito kahit kailan.

‘Pare, lumayo ka muna dito,’ payo ko kay Xena. Tumayo ako para mag CR. Pagbalik ko wala na ang bakla. Sumabay daw sa mga kaklaseng napadaan. Takot maombag.

Usap-usap ulit kami nina LA at EllaB. Si NJ galit na galit parin ang itsura pero hindi na nagsasalita. Alam kong galit ito at hindi lang basta napikon dahil nag-stay. Hindi nagwalk-out. Naguilty naman ako. Hindi ko pala kayang makitang ganun ang itsura ni NJ. After about thirty minutes, mukhang humupa na yung galit niya. Pero malungkot pa rin yung mukha niya. Dumating si Maine at kinuwento ang mga kapalpakan niya sa Science Quiz Bee na sinalihan niya. Tawa kami ng tawa pero si NJ malungkot parin at hindi parin nagsasalita. Umuwi na silang lahat. Si Maine, NJ at ako nalang. Mega ask ang bilat kung bakit malungkot ang hearthrob ng grupo. Nilapitan ko siya. Shet huwag mo akong sasapakin please. Niyakap ko siya sa bewang.

‘Hon, sorry na please.’ Deadma lang siya. Pero d naman umalis sa tabi ko. Hindi rin niya tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

‘What? Inasar mo nanaman?’ tanong sa akin ni Maine.

‘Sabi kasi niya masama ugali ko eh,’
‘Totoo naman eh,’ bulong ni NJ.

‘Sorry na please. Love naman kitah eh. Hindi na talaga ako uulit.’
‘Oo na.’

‘Smile ka na,’ paglalambing ko. Yun. Nag-smile na siya.

‘Alam mo NJ, kaya ka lang inaasar niyan para may dahilan siyang maglambing sayo pagkatapos,’ si Maine. ‘Mahal na mahal ka niyan eh.’
‘Si Gilbeys nalang mahalin mo,’ baling sa akin ni NJ.

‘Ayoko nga. Ikaw ang gusto ko eh. Alam mo bang nang una kitang makita, at tinignan mo ako, huminto ang mundo ko. Sabi ko sa sarili ko, if I ever fall inlove with that boy, it will be because of the mole,’ biro ko. Okay, pabiro kong sinabi pero seryoso ako.

‘Eh kasi naman, bakit yung nunal ko nanaman?’ pasweet ang gagoh.

Tigilan na nga ang lokohan.

Half an hour later nasa Mcdo na kami. Naglalandian. Nagkukuwentuhan sa mga mamahaling bagay na kailanman eh hindi namin mabibili. Masaya na ulit siya. Hindi na siya galit. Tumatawa na siya. Pero masama parin loob ko sa sarili ko. Promise talaga hinding hindi ko na siya aasarin.

Pagdating ko ng bahay nagtext ako sa kanya.

‘N, I know ur getting tired of me teasing u, hurting u, and saying sorry afterwards. Im sorry 4 wat happened 2day. Wish I could take it bak. But I cant. So again im sorry. I learned my lesson na. D na ako uulit. Labshu.’

Thursday, February 5, 2009

A week's worth...



Jan 28 Wednesday – Happy 2nd Birthday Jan Sebastian. Yeiz, nagbirthday na yung pangalawa kong pamangkin. Masaya kasi nga nagkaroon ulit ng pagkakataon na magsama-sama silang magpipinsan; Ethan, Basti at Nika. Nag-stay si Nika sa bahay ko for a week. Ang kulit na ng bruha. Ang taray taray pa. Manang mana sakin hahahaha.

Jan 30 Friday – nagcelebrate ang college naming ng 85th year. May cocktail party. Attend ang mga TLs na under Liberal Arts. Kakainis lang, wala pa yung digicam na pinabibili ko sa sisteret ko. Balak ko pa naman sanang gumawa ng list of best and worst dress churvah. Nakakaloka. Pagdating ni NJ, pareho kami ng damit, magkaiba lang ang kulay. Hmmmp. Siya ang nanggaya dahil bagong bili lang pala ang suot niya. More picture more fun talaga kami. Bago natapos ang program nakita ko yung isang crush ko na kaklase ko sa NSTP. Alam ko name niya pero hindi talaga kami close. Actually hindi pa kami nag-uusap. Ang guwapo ng gago. Mukhang adik. Oo yun ang mga tipo kong lalake. Mga mukhang adik hahahahaha. Mga mukhang adik na guwapo. Hindi ko alam kung ano naisip ko at bigla kong sinabi kay NJ na sabihan niya si ‘crush’ na magpapicture kami. Pumayag naman ang loko, todo ngiti pa. Feeling artista? Sige na nga. Hawak ako sa braso niya. Lean naman siya sa akin. Aaaaaaaay shet. Water ang kepz kez. Si NJ pa kumuha ng pic…. Hahahaha

Feb 01 Sunday – define pagdurusa. The previous night, fly kami ni Marix sa balor ni Vanz. Mag scan sana ako ng pics para sa school project ko, kaso hindi namin napagana ang brand new printer/scanner/copier ni bilat. Kasi naman pito na yata ang naka install na printer sa laptop niya at iba-iba ang brand, nakakaloka. So pinahiram ni bakla ang printer sa akin. Kaso nga ansiya ngayon ang PC ko. May spyware yata. Nagka-crash ang peste every other twenty minutes. Kaya d ko rin magagamit ang scanner. So pinaayos ko ang PC. Sa Laguna. Calamba to be precise. Nandun kasi si kuya K. sa kanya ko lang pinagkakatiwala ang minamahal kong computer. Hindi ako pinagmaneho ni NJ. Kaya nag commute ako. Buti nalang falt screen at built in ang CPU. Isang buhatan lang talaga, pero mabigat pa rin ha. Pero worth it naman ang mga pagdurusa ko dahil bonggang bongga na ngayon ang PC ko. Good as new. Ang sarap manood ng M2M… nyahahahaha.

Feb 03 Tuesday – nag-away nanaman kami ni NJ. Napikon nanaman sa akin. Nag walk-out. Kasi naman eh. Binibiro lang naman. Ganito kasi yun. Nakatambay kami sa Tspot. May dumating na Iranian friend si Maine, may dalang box ng dates. As in fruit daw ito sa middle east. So try namin. Kain kami ni NJ. Nagustuhan ko naman. Lasang pulot. Si NJ mukhang hindi na-amaze. Pero inubos niya yung isa.

‘Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit may amoy yung ibang arabo? Side effects ba,’ biro ko, sabay angat ng dates na hawak ko.

‘Gago ka talaga. Kung ano-ano naiisip mo,’ si NJ.

‘Siguro nga hindi. Kasi ikaw d ka naman kumakain pero amoy arabo ka minsan.’
Ayun napikon nanaman. Nag-walk out ang gagoh eh binibiro ko lang naman. Inulan ko text ang phone niya, nag sorry ako pero hindi siya nag reply. Kainis.

Feb 04 Wednesday – ngayon namin ginanap ang sobrang late na birthday ni Gilbeys sa Tspot. December pa kaya birthday nun. Kaso bakasyon nun kaya d kami nakapag celebrate na magkakasama. Pagdating ko sa Tspot nandun si NJ. Kumakain. Niyakap ko siya from his back.

‘Bati na tayo please. Joke lang naman yun eh. Tsaka love na love naman kita. Pleaseeeee,’ paglalambing ko sa kanya.

‘Oo na.’

‘Love mo ako?’ pasweet parin ang bayot.

‘Oo.’

Ay ang saya ko sa sagot hahahaha. Tumabi ako sa kanya. Tinutukso naman kami ng ibang TLs. Bati na kasi kami. Yes. Nandun din si Cinder pero hindi ko masyadong pinapansin. Moment namin to ni NJ.

Dumating si Princess may dalang chocolate roll galling sa Max’s. Binuksan para tirikan ng dalawang birthday candles. Kumuha si NJ ng icing mula sa gilid ng cake gamit ang hintuturo niya saka dinala sa bibig. Kumuha ulit siya at tinapat sa bibig ko.

‘Ayoko niyan. Sa tt mo ilagay, didilaan ko,’ panglalandi ko. Natawa lang yung mga bilat.

‘Yuck ka talaga bakla,’ si Bernard.

‘Tse,’ sabay irap kay Bernard.

‘Hon (tawag ko yank ay NJ), dali na. Dalhin natin sa banyo yang cake,’ patuloy ko.

‘Ay naku papasok na ako. Bahala ka nga diyan,’ sabay tayo ang gagoh.

‘Oy joke lang. Basta bati na tayo ha.’

******

Yun lang. Shet bukas na start ng midterms ko. Review mode muna. Bwah!!!
Yeiz... kami ni NJ yang nasa 2nd pic.